40 ~ Third

55 3 0
                                    

40

~ Third

>>>DANIELLA’S POV

When Matt reached his hand for me, hindi ko malaman ang gagawin.

I could see a lot of cameras flashing, not to mention ang bulung-bulungan ng mga tao.

Inabot ko ang kamay niya and I found ourselves with our hands intertwined. Ang isa naman niyang kamay ay nakaalalay sa bewang ko.

Hinarangan kami ng tatlong bodyguards ko. Yes. Tinotoo talaga ni Ninang Mandy ang sinabi niyang bibigyan niya ako ng tatlong bodyguards at eto na nga sila ngayon.

I told them that it was okay at kakilala ko ang kasama ko. Nag-aalinlangan man, nag-give way na rin sila.

Ngayon ko lang na-realize that my knees were trembling and if not for this guy beside me, baka kanina pa ako napaupo.

Pagkalabas namin ng hotel, kaagad namang dumating ang kotse ni Matt. Pinagbuksan ako ng pinto ng valet habang inalalayan naman ako ni Matt.

Sumakay sa driver’s seat si Matt at tumingin sa akin.

“Where do you want to go?”

I just shrugged my shoulders.

Ngumiti siya. “I know a perfect place.”

It was a 15-min drive. Wala na rin namang masyadong mga sasakyan kasi medyo late na.

Dinala ako ni Matt sa central park. Hindi naman karamihan ang tao pero napakaliwanag ng lugar. Malapit na rin kasi ang Pasko at punung-puno ng Christmas lights ang parke.

Naupo naman kami sa tabi ng napakalaking fountain na nasa gitna ng park.

I was playing with my necklace when Matt suddenly spoke...

“Suot mo pa rin pala ‘yan,” he said referring to the necklace I’m wearing.

“I just thought I needed luck today,” sagot ko sa kanya while still playing with his charm necklace.

“Nagtataka lang ako,” sabi niya habang naniningkit ang mata. “I know it’s not your thing na pumunta sa mga ganung event. Moreover, ang maging part ng auction but... why were you there?”

 

“Hindi naman talaga ako ang dapat kasama dun. Kaso lang ‘yung anak ni Ninang Mandy na si Kate ay hindi makakapunta. Nagkaroon kasi ng conflict sa schedule niya. Sa London kasi ‘yun nag-aaral ng fashion design. Hindi na pati ako makatanggi kay Ninang. Nakakahiya kasi at mismong event niya ‘yun,” mahaba kong paliwanag. “So, ayun nga... It ended up me rescuing the day.”

Nakatingin lang sa akin si Matt habang nagkukwento ako.

“But it turns out, you’d rescued me instead,” I added.

He smiled. At kahit pa medyo maraming silhouette sa kinauupuan namin, I could tell na namumula ang mga tenga niya.

“Well, you know... It’s kind of my hobby to save you from time to time...”

Pareho naman kaming napatawa sa sinabi niya.

Yung sa bath tub, kay Cedrick at ngayon naman ay sa auction. It’s all thanks to him.

“Teka,” I told him when I suddenly remembered something. “Ano palang sasabihin ng parents mo? Gumastos ka ng sampung milyong piso para sa auction. Hindi ka kaya mapagalitan nun?”

“Sila naman ang nagsabi na pumunta ako sa auction eh. At saka, hayaan na lang natin sila. Isa pa, marami naman akong savings,” he chuckled.

“Mayabang!”

Mga isang oras pa kaming nagkwentuhan ni Matt. Nung quater to 10 na, we both decided to call it a night.

Of course, as gentleman as he is, hinatid niya ako sa bahay.

Bago ako bumaba ng kotse, I thanked him again.

Papasok na sana ako ng gate nang ibinaba ni Matt ang passenger’s window ng kotse niya.

“You still owe me a date,” he winked at me saka pinaharurot ang sasakyan niya.

A/N:

What's with the guys and their blushing ears? *eksdie*

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon