19
~ Meet the Cinnamon Band
>>>DANIELLA’S POV
Natapos ang school fest namin at naging successful naman ito. Malaki rin ang kinita ng aming food and drink booth slash music booth. Nabigyan din ulet ang banda namin na mag-perform. Hindi naman talaga naming gustong mag-perform. It was actually requested by Ma’am Dominguez. Makakatanggi pa ba kami kay Ma’am?
We performed three songs. The first song was “Heart Attack” na kinakanta ko with Phillip. Did I ever describe Phillip to you? Hahaha! Andami ko nang nasabi pero hindi ko pa pala ito nagagawa. Tulad ni Riley, mestiso rin itong si Phillip. Dark brown ang buhok, kulay honey gold ang mga mata, maputi at namumula ang balat kapag naarawan.
In short, gwapo. Aba, siyempre naman. Pinsan ko yan at talagang magaganda at mga gwapo ang lahi namin. XD
He has also pink, luscious lips na alam kong maraming babae ang nagkakandarapa. Ilan na kayang babae ang nahalikan nung mga labing yun? Wahahahha! Close kami ni Phillip pero hindi naman ako nagu-usyoso sa lovelife niya not unless siya mismo ang magsabi.
The second song was “Wouldn’t Change a Thing” na kinanta naman nina Phillip at Monica. Like before, kapag si Monica ang magli-lead vocals AT ka-duet niya si Phiillip, nagpapalit kami ng tutugtuging instrument. Marunong din po akong mag-keyboard. ^ __ ^
With regards to Phillip and Monica, I always love when they are singing together. Yung feeling ba na talagang nagko-connect yung dalawa kapag kumakanta... Yung may kakaibang chemistry talaga kapag sila ang kumakanta lalo na at love song... High school pa lang kami ay matagal na naming iniuudyok ‘yang dalawang yan pero ewan ba...
Never din namang niligawan nitong si Phillip si Monica.
I mean, Monica is actually beautiful. Maputi, may maganda at mahabang buhok, dark brown ang mga mata at very kissable ang lips. Business Administration student din yan tulad namin ni Phillip pero Accountancy ang major niyo. She has been like my Ate kahit na magkaedad lang naman kami. Kaya siguro bet na bet ko siya para kay Phillip. ^__^
Yung last song namin ay “Timber”. Balik na ulet ako sa front at kasama ko naman sa kantang ito si Riley. Siya ang Pitbull ng grupo namin. Heheheh.
Pero kahit na nagra-rap, malambing pa rin ang boses ni Riley gaya ng speaking voice niya. Engineering student naman itong si Riley, civil engineering to be exact. May-ari kasi ang pamilya niya ng isa sa pinakamalaking engineering firm sa Manila.
Kakalog-kalog lang din talaga yang si Riley pero kapag nag-aaral na, ibang usapan na yan. Pero kung talaga lang nakita niyo yung eksena nung nagra-rap na si Riley, kahit kayo ay maloloka. Nakakaloka kasi yung mga avid fans niya. Hahaha! Sigaw nang sigaw ng...
“Ang pogi mo talaga, Ray!”
“Marry me, Ray!”
Hahhaha! Kakalerkey ang mga babaeng ito. Pero magtataka pa ba ako kung ganito siya kasikat sa school? He’s the DJ of our school radio station, remember? Siya lang naman ang dakilang “Papa Jack” ng school namin. Magaling yang magpayo about sa love. Hahahha!
Pero speaking of love, wala naman akong nabalitaan na nagka-girlfriend o may girlfriend siya. Hindi pa rin kaya siya maka-move on sa akin? ^___^V
In a way, nagpapasalamat na rin ako kay Ma’am Dominguez for bringing back this side of me. Kung hindi pa dahil dito, baka hindi ko na ulit nagawang kumanta pa sa entablado.
Naputol naman ang pagre-reminisce ko ng school fest nang mapansin kong may umupo sa bandang kanan ko. Kahit na alam ko na kung sino ang uupo dun, napatingin pa rin ako sa kanya at isa itong malaking pagkakamali.
“Naga-gwapuhan ka na naman sa akin, ano?” sabi niya sabay kindat sa akin.
Parang biglang nag-akyat lahat ng dugo sa ulo ko at ready na akong sungitan itong si Matt. Kaso lang biglang dumating ang professor namin kaya wala na akong nagawa kundi ang manahimik at humalumbaba na lang buong period.
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...
