55 ~ Run

64 2 1
                                    

55

~ Run

>>>DANIELLA’S POV

Dahil nga wala akong dalang sasakyan, nung nag-offer si Monica na ihatid ako ay hindi na ako nagdalawang-isip.

Pagkalabas namin ng building, kaagad kong napansin na may isang Chevrolet Corvette ang nakaparada sa ‘di kalayuan.

Did he really wait for me?

“What are you looking at?” tanong sa akin ni Monica

Tiningnan niya kung saan ako nakatingin. “Kilala mo ba kung kanino ‘yun?”

Umiling ako.

“Liar,” Monica laughed. “It is HIS car, right?”

I just bit my lower lip and Monica laughed even more.

Tumingin siya sa direksyon ng sasakyan at nakitang paalis na ito.

“He waited for you,” she said.

“I know,”  tipid kong sagot.

“He waited for you because he knew you haven’t had a car with you. He waited for you so he can check if you could come home safely,” Monica smiled widely. “Hayyss... I wish I also have someone like him... So dreamy,” she chuckled.

***

Niyaya ko si Monica na sa bahay na maghapunan. She even asked if she could stay for a sleepover. Kaya ba mahal na mahal ko ang babaeng ito, she knows how to make me feel better. She’s like the ate I’ve never had.

Kumakain na kami ng dinner nang may dumating na mga bisita.

“We’re supposed to surprise you, Danie,” wika ni Phillip.

“Pero mukhang kami ang na-surprise sa inyo,” dagdag naman ni Riley.

I invited them to join us. Inihain ko na rin ang mga dala nilang pagkain.

My ever-supporting and comforting friends.

We were already having our dessert nang biglang magtanong si Riley.

“Danie, bakit parang namumugto ang mga mata mo?”

Si Monica ay kaagad na pinanlakihan ng mata ang katabi na si Riley. Si Phillip naman na siyang katabi ko ay napakamot sa ulo.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon