39
~ Ten Em
>>>MATTHEW’S POV
“Son, it’s just one night. Isa pa, you don’t really have to join kung ayaw mo,” pagpupumilit ni Dad. “Nangako ako kay kumpadre na darating ka dun. Kailangan mo lang magpakita.”
Nakaupo ako ngayon sa piano chair habang patuloy na kumakapa ng nota. Pinipilit kasi ako ni Dad na pumunta sa charity event ni Mrs. Amanda Salvan. According to Dad, ang makokolektang pera ay gagamitin sa pagpapatayo ng isang orphanage house.
“Sige na naman, anak,” tumabi sa akin si Mommy at niyakap pa ang braso ko. Naku! Naku! Naglalambing na naman si Mommy...
“You just have to show yourself. At saka balita namin, it’s a charity event with a twist. Beautiful girls are going to come as well,” at kinindatan pa ako ni Mommy.
“Tsss. Hindi ko naman kailangang makakita pa ng magagandang babae,” I said.
“Bakit naman? Do you already like someone?” tanong ni Mommy
Napatingin ako sa mga magulang ko. Their eyes were on me.
“Son, may nililigawan ka na ba?” tanong naman sa akin ni Daddy.
“Wala po, wala,” sagot ko habang ikinakampay ang kanang kamay. “Let’s just say na wala pa ‘yun sa isip ko.”
Nakatingin pa rin sa akin ang mga magulang ko na para bang ayaw maniwala.
“Sige na nga po... Sige na,” I gave up. “Para tumigil na kayo at matapos na ito... Pupunta na po ako.”
At tuluyan na akong niyakap ni Mommy mula sa pagkakaupo ko.
***
Nung nasa charity ball na ako, I found the event boring. Wala kasi talaga akong kakilala. From time to time, may mga bumabati sa akin. Familiar ang mga mukha nila kasi mga kasosyo ni Dad. Magalang ko naman silang binabati.
Tumayo lang ako sa dulo ng hall at sumandal. I was quite enjoying my champagne.
Nagsimula na ang auction. Tama naman si Mommy. Magaganda nga ang bachelorettes na andito pero honestly, they are not my type.
Ang type ko kasing babae ay ‘yung simple lang. ‘Yung hindi masyadong maarte at maselan. Ayaw ko rin nung masyadong makolorete sa katawan. Gusto ko ay ‘yung masungit at suplada pero nagba-blush kapag binibiro o nahihiya siya. Gusto ko ‘yung babaeng kayang alagaan ang sarili niya pero nagtitira pa rin ng space para maalagaan ng iba. Gusto ko ‘yung....
BINABASA MO ANG
The F Word
Fiksi Umum"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...