17 - Cinnamon's Frontman is Back

74 0 0
                                    

17

~ Cinnamon’s Frontman is Back

>>>DANIELLA’S POV

At heto na nga po ako, hinihintay na matapos ang pagkanta nila. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bakit ba hindi ko mapakalma ang sarili ko?

Hindi naman ito ang first time na tumapak ako ng stage para kumanta. Maraming beses na namin itong nagawa noon – noong high school pa kami. Oo, miyembro ako noon ng official band ng school namin. Sa bandang yun ay kasama ko sina Riley, Monica at Philip.

Si Riley ang drummer at rapper ng grupo, si Monica naman ang nasa keyboard at si Philip ang lead guitarist. Hawak ko naman ang bass guitar pero ako talaga ang frontman or should I say frontgirl ng grupo. Though kumakanta sina Monica at Phillip from time to time, ako ang usually na nasa vocals.

“Kaya mo yan! Just like the old times,” bulong ko sa sarili ko.

“Daniella, you’re up in 30 seconds,” sabi sa akin ng classmate ko.

Tumayo na ako at pumunta sa entrance ng stage.

“Just like the old times,” I told myself.

Lumakad na ako papunta sa gitna ng stage at hinawakan ang microphone na nasa mic stand. I took a deep breath at saka ko tiningnan ang lead guitarist ng band. They started playing the song.

[Here I Am (Tori’s Version)]

music video at the right side --------->

When I was young

I played for fun

Made up the words

Nobody heard

But now I see

All eyes on me

And suddenly

I'm in a dream

Crap! Ano ba, Daniella? Compose yourself. Gusto ko nang pagalitan ang sarili ko kasi sa sobrang kaba ko, pati ang boses ko ay nanginginig habang kumakanta.


I got a feeling now

Everything's right somehow

Napatingin ako kay Phillip na nasa may bandang gilid, he smiled at me and mouthed “kaya mo yan”. I breath deeply before singing the chorus of the song.


Here I am

Being who I want

Giving what I got

Never a doubt now

Here I go

Burning like a spark

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon