26
~ A Very Bad Weather
>>>DANIELLA’S POV
After that unfateful incident, gustung-gusto ko nang sambunutan ang sarili ko. Grabe man ang kahihiyan na inabot ko ngayong araw, hindi na ako umangal nang tulungan ako ni Matt tumayo.
“Magbanlaw ka and please don’t drown yourself again.”
Matt left and I know that my face is a scarlet red.
***
Mabilis lang akong nakapagbanlaw at nakapagbihis. Nang makalabas na ako ng banyo at makarating sa kama, I saw Matt talking over someone on his phone. Agad naman niyang napansin ang pagdating ko at maya-maya pa ay ibinaba na rin ang telepono niya. He was looking at me habang ako naman ay nag-iiwas ng tingin.
I was drying my hair with a towel when he suddenly blurted out,
“God! You are so sexy!”
Parang biglang nabuhay ang lahat na natutulog na nerves at neurons ko nang dahil sa sinabi ni Matt...
Kaagad kong kinuha ang pinakamalapit na unan sa kama at akmang ibabato ko sa kanya. He immediately covered his face with his arms. Ibabato ko na talaga sana sa kanya ang unan but something stopped me...
“Will you please stop teasing me?”
Ibinaba ko na ang unan ko at bahagyang inihagis pabalik sa kama.
Matt lowered his arms and smiled at me. ‘Yung genuine smile niya, ‘yung hindi nakakaloko...
“Sorry. It’s kind of a hobby.I can’t help it sometimes.” He smiled again. “Sige na, matulog ka na.”
Tumalikod na sa akin si Matt. He was preparing to sleep on the couch when I said,
“Thank you.”
Thanks to him kaya humihinga pa ako ngayon. Nakakahiya man talaga ang mga pangyayari, I am really thankful na si Matt ang kasama ko ngayon. Kung iba kaya ‘yun, will he do the same?
Napatingin naman siya sa akin.
“Thank you,” I repeated. “I owe you so much tonight.”
Lumapit naman siya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
“Aray!”
“Ayos na sa akin ang isang thank you,” he said. “Hindi na kailangang ulit-ulitin pa. Pero just so you know, you devirginized my eyes. Baka tuloy hindi ako makatulog ng maayos ngayong gabi.”
Ako naman ang napangiti. Binigyan naman ako ni Matt ng isang pamatay niyang kindat. Napailing na lamang ako.
///....KIDLAT.... KULOG.... KIDLAT... KULOG....///
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng dahil sa kulog at kidlat na yun. I almost forgot na kaya nga pala kami nandito ay dahil sa napakasamang panahon.
“Ah, Daniella?” tawag sa akin ni Matt.
“Hmmm?”
“Kung gusto mo naman akong yakapin ay sabihin mo lang. You can do anything with me. Hindi mo na naman kailangang hilahin pa ang damit ko,” he grinned.
Muli akong napatingin kay Matt at napansing hinihila ko pala ang damit niya sa may bandang bewang.
Kumidlat na naman at sinundan ito ng pagkalakas na kulog.
Halos mapayakap na ako kay Matt pero right now, I really don’t care. Masyado na akong natatakot para maisip na ang awkward ng posisyon namin kasi niyayakap ko na siya..
“Daniella, are you okay?”
Muli na namang kumulog at kumidlat kaya lalo akong nagsiksik kay Matt. Halos mapahalik na ako sa perfectly toned chest siya.
“Are you alright? Nanginginig ka.....”
Dahil sa sobrang sama ng panahon at triple pa nito ang takot na nararamdaman ko ngayon, I said some words without actually comprehending them....
“Matt, will you sleep with me tonight?”
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...