Kabanata 65
Dale's
"Where the fuck is my wife and child!?" Hindi mapakali kong saad. Kanina pa ako palakad-lakad at hindi na ako makapaghintay na matunton ang lokasyon ng mag-ina ko.
Matapos ang naputol kong tawag kay Iana, agad akong umalis ng opisina dahil hindi maganda ang kutob ko. Samahan pa nang hindi pagsagot ni Yul sa tawag, lalo akong natakot para sa asawa't anak ko.
Gaya nang inaasahan ay wala na akong naabutan sa unit. Si Yul ay hindi ko kaagad na-contact dahil agad pala nilang hinabol ang kotse na sinasakyan ni Elysse, only to find out na wala sa sasakyan na 'yon ang mag-ina ko.
"Sir, na-track na namin ang location." Napatigil ako sa paglalakad at mabilis na lumapit kay Rom na nakaharap sa monitor ng computer. May pulang bilog na natigil sa isang lugar sa North Luzon.
Nandito ako ngayon sa headquarters nila Yul kasama si Rom at dalawa pang tauhan. Ang ilang parte ng team ni Yul ay naghahanap pa rin sa kalapit lugar kung saan huling namataan ang van na maaaring kumuha sa mag-ina ko.
"Ano pang hinihintay natin? Let's go!" utos ko sa dalawang lalaking nasa head quarters din. Maiiwan si Rom dito para mamonitor ang kinaroroonan ni Iana kung sakaling may pagbabago. Mabuti na lang dahil naisipan kong palagyan ng microchip tracker ang sing-sing na isinuot ko noon mag-propose ako sa kanya. Madali ang naging paghahanap namin sa kanilang dalawa.
"Wala na bang ibibilis 'to?! Paano kung wala na tayong maabutan pagdating doon?" Hindi ko mapigilan ang galit ko at mapagbuntungan ang mga tauhan.
Iniwan ko silang maayos kanina. Ilang oras palang akong nakakaalis ay ganito na kaagad ang nangyari. Hindi ko maiwasang hindi sisisihin si Yul at ang kanyang tauhan. Mahigpit kong utos na siguraduhin ang seguridad ng mag-ina ko. Naisahan pa sila ni Elysse at tauhan din nito. Alam ko na may plano talaga si Elysse na paghihiganti sa akin kaya pinapabantayan ko na ang kilos nito. Inakala ko na ako ang unang pagbubuntunan nito ng galit at 'yon ang naging pagkakamali ko.
Sa traffic at sa bawat paggalaw ng oras ay lalo akong nauubusan ng pasensiya. Kung kaya ko lang paliparin ang sinasakyan namin ay gagawin ko makarating lang kaagad sa kinaroroonan ni Iana at Din-Din.
Hindi pa nakakatigil ang sasakyan ay agad ko nang binuksan ang pinto. Halos hindi ako makahinga nang lapitan ang bukas na van at ilang pulis na nakapalibot doon.
Agad kong namataan ang isa sa tauhan ni Yul na nasa lugar. "Where are they? What happened?" sunod-sunod kong tanong.
Wala nang tao sa loob ng van. Ni wala akong makitang bakas ng mag-ina ko.
"Sir, calm down. We're under control of the situation." Kinwelyuhan ko siya dahil sa frustration ko.
"How the fuck will I calm down? Where is my wife? My baby? Do not tell me to calm down if you haven't found them yet!" Inawat ako ng isang pulis. Doon lang ako napabitaw sa kanya.
"Sir, nahuli na po si Ms. Salazar at kasalukuyang ininterrogate ng mga pulis. Doon na lang po muna tayo dumiretso," saad ng isang lalaki kasama ko kanina.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Wala na kaming naabutan sa van at ayon sa pulis, dinala na sa station ang mga sakay nito.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...