Kabanata 35
Iana's
Ilang beses naming narating ang sukdulan bago kami tumigil. Pagod na pagod kaming dalawa at hinihila na nga siya ng antok ngayon. Nilabanan ko naman ito at nanatiling nakamulat. Pinagmasdan ko ang mahimbing na bersyon ni Dale. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha ngayong huling sulyap ko na ito sa kanya. Nangako ako kay Don Arturo na aalis na ako at ayokong baliin iyon. Sobrang sakit sa akin na aalis ako ngayon nang hindi manlang maayos na magpapaalam sa kanya. Siguro hanggang dito na lang talaga kaming dalawa.
Dahan-dahan kong tinanggal ang nakadantay niyang bisig sa hubad kong dibdib. Ginawa ko ang lahat upang hindi gumawa ng ingay dahil baka kapag nagising siya ay piliin ko na lang na kalimutan ang plano ko at manatili na lang sa tabi niya hanggang siya na mismo ang magtaboy sa akin.
Nakawala ako sa kanyang yakap at dahan-dahan pa ring tumayo. Hubo't hubad akong naglakad papuntang bathroom dala ang damit na hinanda ko kagabi. Hindi naman ako nagtagal doon at minuto lang ang nakalipas ay handa na akong umalis. Walang ingay na kinuha ko ang maleta na nasa ilalim ng kama ko.
Hindi ko mapigilan ang tuloy-tuloy na buhos ng aking mga luha. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi magdulot ng ingay ang mga hikbi ko. Pigil na pigil ang ginawa kong pag-iyak. Ang sakit pa lang iwan ang taong mahal mo. Mas pipiliin ko pa atang itaboy niya ako kaysa ako ang aalis. Mas masakit kasi na parang dinudurog ang puso ko bawat hakbang ko palayo sa kanya. Pinalis ko ang luha ko at pilit na nagpakatatag.
Nang tumalikod ako ay pinigilan ko na ang sarili kong lumingon. Dahil kapag lumingon pa ako ay baka hindi ko na maitusan ang mga paa ko at manatili na lang ito sa kinatatayuan ko ngayon.
Matagumpay akong nakalabas ng mansyon. Nilingon ko pa ang gate bago tuluyang naglakad palayo. Hindi pa ako nakakailang hakbang nang humarang sa akin ang pigura ni Frank. Ano pa bang ginagawa nito dito? Hindi ba talaga siya marunong makinig?
Nakangiti siyang sinalubong ako pagkalabas ng gate. "Mabuti na lang at nagtyaga akong maghintay dito. Naabutan pa kita. Halika na Iana, itatakas na kita dito."
Hinawakan ni Frank ang kamay ko at marahas ko itong tinabig.
Pagod ko siyang tiningnan. Hindi ko na alam kung paano ko siya itataboy. "Ano ba Frank, hindi nga ako sasama sa 'yo. Iiwan ko si Dale pero hindi ibig sabihin no'n ay sasama na ako sa 'yo."
Umiling siya sa akin. "Huwag ka nang tumanggi. Ako na ang bahala sa 'yo. Poprotektahan kita kaya sumama ka na sa akin."
"Ano ba!? Sinabi ko na ngang ayoko e, hindi ako sasama sa 'yo!" Napalakas ang boses ko at namalayan ko na lang na nasa likod ko na ang mga limang bodyguards ni Dale.
Tiningnan ko si Frank at pursigido pa rin itong nakatingin sa akin. "Sasama ka sa akin ngayon o hahayaang mong tawagin nila ang boss nila at tuluyan ka nang hindi makaalis. You choose..."
Napalingon ako at nakita kong may katawagan na nga ang isang bodyguard. Napailing na lang ako at walang nagawa kundi sumama kay Frank. Nakangisi si Frank nang kinuha ang maletang dala ko at agad ipinasok sa kotse.
"Ma'am, tinatawagan na po namin si Sir. Huwag kayong sumama sa kanya," malamig na saad ng mistulang lider nito.
Nanlaki ang mata ko at agad pumasok sa kotse. Umikot si Frank sa driver's seat at ngumisi pa sa isa sa bodyguard ni Dale.
"Sabihin niyo sa amo niyo kusang sumama sa akin si Iana. Hindi ko siya pinilit. Okay?"
"Frank, let's go!" iritado kong nang saad. Marami pa kasing sinasabi, e.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...