Kabanata 41
Iana's
"Elaine, are you ready? Do you need any help?" saad ni Leon mula sa labas ng kwarto namin.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng dadalhin ni Din-Din. Actually, kahapon pa talaga ako nakapag-empake nang mga gamit namin kaya lang itong si Din-Din ay nagta-tantrums pa dahil halos lahat ng laruan ay gustong dalhin. Isang linggo lang naman kami sa Manila kaya ngayon ay pinapagalitan ko pa.
"Din-Din, I said you can't bring both... just choose one."
Amba na itong iiyak at ito ang naabutan ni Leon na hindi na nakapag-antay sa sagot ko kaya pumasok na sa loob.
"What's wrong?" Napaikot na lang ako ng mata nang makitang dinaluhan agad ni Leon ang bata.
Binuhat niya ito at tiningnan ako bago ngumiti. Pinandilatan ko naman ito ng mata pero tinawanan niya lang ako.
"I w-want to bring my toys..." Nakasubsob na sa balikat ni Leon si Din-Din at tuluyan nang umiyak.
"No... ang dami na nitong dadalhin natin ah. 'Di ba sinabi ko na itong pink bag lang ang lalagyan ng toys mo? It's already full, if you want to bring your barbie doll, alisin mo 'yong isa dito," pakikipagmatagisan ko pa.
Kinuha ko na ang dalawang bag na dadalhin at inayos ang ilang naiwang kalat sa kama. Ngayong umaga kami aalis papuntang Manila. Isang linggo lang kami doon kaya konti lang ang dala namin.
"Hmm... I still have space in my bag. You can put your doll in there," suggestion ni Leon.
Tumigil ang paghikbi ni Din-Din at tumingin kay Leon.
"Can I, Daddy?"
"Of course..." masaya niyang sagot bago bumaling sa akin at kumindat.
"Hay nako! Leon, sige i-spoiled mo pa 'yang bata," naiinis kong saad bago tuluyang lumabas.
Naiinis man ay ngumiti ako nang makita ang ilang tenant dito sa apartment na tinutuluyan namin ni Din-Din.
"May lakad kayo?" tanong ni Lola Saling nang makita ang bitbit ko.
"May lalakarin lang ho sa Manila, lola." Tumango ito at ngumiti.
"Kaya pala wala si Mina ngayon. Sige mag-iingat kayo sa byahe," saad nito bago pumasok sa loob.
Si Ate Mina ang nagbabantay kay Din-Din kapag may trabaho ako. Hindi ito stay-in at madalas ay tinatawagan ko lang kung walang kasama si Din-Din. Madalas naman kasi ay nasa mansion ito ng mga Angeles at sina Ma'am Bella ang nagbabantay.
Dumiretso na ako sa kotse at doon na sila inantay na mag-ama. Hindi rin naman na sila nagtagal dahil ni-lock lang nila ang bahay.
"Okay, let's go. Fasten your seatbelts..." saad ni Leon nang makasakay.
Si Din-Din ay nasa likod at nagse-senyasan pa sila sa may rear view mirror. Umakto akong hindi sila pinapansin.
"Sorry, Mommy. I didn't bring another barbie because I love you," maliit na saad ni Din-Din.
Nakangiti si Leon at nag-thumbs up pa sa bata bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Ito lang pala ang pinagsesenyasan nilang dalawa.
Binalingan ko ang anak at sa huli ay sumuko na rin.
"Fine... next time 'nak, susunod na agad kay mommy, ha?" Tumango-tango naman ito na siyang kinangiti ko.
"Leon, sila Ma'am Bella ba, nandoon na?" tanong ko sa kalagitnaan ng traffic.
"By now, nandoon na sila. Madaling araw sila umalis kanina e. Why?" Inilingan ko na lang bago nagpasyang umidlip. Nagmukha talaga siyang driver namin ni Din-Din na ngayon ay mahimbing na rin ang tulog.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...