Kabanata 48

8.6K 114 11
                                    

Kabanata 48

Iana's

"Leon, ready na pala 'yong products for delivery sa South's Blend & Brews. Nakapagbayad na sila ng downpayment but, they are requesting for installment payment on the remaining due. What do you think?"

Lunes at dumiretso agad ako sa office ni Leon. Ngayong araw naka-sched ang pagbisita ni Dale sa farm kaya maaga pa lang ay siniguro ko ng ayos na lahat ng delivery namin ngayong araw.

Mukhang pre-occupied si Leon at wala sana akong balak siyang istorbohin kung hindi lang sa request ng client. Ayoko namang pangunahan siya sa pagdedesisyon. Simula nung biyernes ay halos ganito na siya, tulala at parang ang lalim nang iniisip. Noong linggo nga ay tinanong na ito nina Ma'am Bella dahil halos hindi ito kumibo sa buong oras na nandoon kami. Pati ako ay tinanong na rin ni Ma'am Bella pero wala naman akong nasagot. Hindi ko pa siya nakakausap simula biyernes.

"Leon?" ulit ko.

Napalingon siya sa akin at napakurap. Ngumiti na lang ako.

"Gusto mo bang mapag-isa muna? We still have 1 hour before the schedule visit in farm with Mr. Perdigon."

"No. We go as planned. Sorry. Ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina?"

"Ah, 'yong request ni Mr. Gomez na installment payment..." Hindi ko na natapos nang tumango siya.

"Ah, okay, sige, prepare the installment schedule. Make sure lang na hindi lalagpas ng six months 'yong term. I'm okay with that."

"Noted."

Iniwan ko na siya matapos noon. Mukhang hindi pa siya handang magsabi sa akin kung ano man ang problema niya. Kilala ko si Leon. Hindi siya madalas maapektuhan ng ano mang problemang dumadating at hindi niya pinapahalata ito lalo na pagdating sa trabaho. Kakaiba lang siguro ngayon. Sa tingin ko, kung ano man ang bumabagabag sa kanya, hindi lang ito simpleng hindi pagkakaintindihan dahil malalim ang pinag-ugatan nito.

Paglabas ko ng office ni Leon ay saktong pagpasok ni Dale. Nagkatinginan kami at malawak siyang ngumiti.

"Good morning... Elaine." Sa pagbikas niya ng pangalan ko ay tila naging estranghero na rin ito sa aking pandinig.

Hindi ko pinahalata ang ano mang naramdaman ko sa halip ay sinuklian ko 'yon ng ngiti.

"Good morning, Mr. Perdigon. You're early..." puna ko.

Binalingan ko si Iya na ngiting-ngiti sa likod niya. Mukhang ito ang unang sumalubong sa kanya.

"Ah, Iya, ikaw na ang bahala kay Mr. Perdigon."

"Yes, Ms. Elaine."

Hindi na ako naghintay nang ano mang sasabihin niya. Nag-excuse na ako kaagad at dumiretso sa table ko. Kahit anong gawing paghahanda ko kapag kaharap si Dale, hindi pa rin nagbabago ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang anytime ay aalpas ito sa dibdib ko. Totoo ngang maaaring turuan ang isip pero ang puso... mahirap pasunurin kung noon pa man ay iisa lang ang tinitibok nito.

- - -

Kinatok ko office ni Leon nang mag-alas nuwebe na nang umaga. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ito. Si Dale ay nakasakay na sa kotse niya. Inaantay na lang kami nito.

Sumakay ako sa kotse ni Leon habang nakasunod sa likod namin ang sasakyan ni Dale. Fifteen minutes lang ay nasa coffee farm na kami. Tumatango at ngumingiti lang ako sa ilang farmer na napapalingon sa gawi namin. Nasabihan naman ni Leon si Mang Kaloy, ang pinakalider ng mga farmer, noong biyernes kaya heto't siya ang nagpapaliwanag ng ilang importante bagay sa proseso nang paggawa ng kape.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon