Kabanata 28

10.1K 133 18
                                    

Kabanata 28

Iana's

Kakatapos lang ng meeting with the Board of Directors. Nauna akong bumalik ng table ko nang makipag-usap pa si Dale sa isang board member.

Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng room ay binugahan ko na kaagad siya.

"Dale, pwede bang huwag tayong masyadong PDA kapag nandito sa office?"

Napapikit ako nang maalala ang ginawa niyang paghawak sa kamay kong nakapatong sa table sa kalagitnaan nang pagsasalita nang isang board member. Naibaba ko kaagad ang kamay ko pero ramdam ko ang tingin nang ilang tao doon. Hindi man sila nagkomento, hindi talaga ako komportable. Nananahimik lang sila dahil ayaw nilang makalaban si Dale.

"In my office..." sagot niya.

Nilagpasan niya ako at pumasok na sa office niya. Tumayo naman ako at sumunod. Sinigurado kong naka-lock ang pinto saka lumapit sa table niya.

Pinaglalaruan niya ang ballpen sa kamay niya at hindi tumitingin sa 'kin. Umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.

"Dale, nakikinig ka ba?" tanong ko dito.

Sinulyapan niya ako at saka tumayo. Umikot siya papunta sa harap mo at hinila ang kamay ko patungo sa sofa.

Nagpahila naman ako at umupo sa tabi niya. Nakatagilid siyang yumakap sa 'kin habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko.

"Dale!" pukaw ko sa atensyon niya.

"Hmm..." Mas humigpit lang ang yakap niya sa 'kin.

Hindi talaga siya nakikinig. Kumawala ako sa hawak niya saka lang siya sumagot ng maayos.

"Don't mind them. Eventually, malalaman din nila ang lahat. Hahayaan ko na lang na si grandpa ang magbigay ng official announcement. Don't worry, pagkabalik na pagkabalik nila ipapaalam ko na tuloy na tuloy na ang kasal natin. Date na lang ang kulang, okay?" Mabilis niya akong hinalikan sa labi at sumiksik muli sa leeg ko.

"Hay, ewan ko sa 'yo, Dale."

"I love you, my love."

Buong araw lang kaming nasa office, nakumbinsi ko naman si Dale na medyo iwasan ang pagiging clingy niya. Labas sa ilong siyang umo-o pero alam ko naman hindi niya tototohanin.

"Iana, girl! Hindi na kita mahagilap these past few days, ah."

Nagkasalubong kami sa hallway ni Gie kinabukasan. Ngayon lang ulit kami halos nagkita kahit nasa iisang building lang kami. Simula nang kumalat ang chismis na may relasyon kami, hindi na ako masyadong lumalabas. Office lang talaga or 'di kaya sa conference room kapag may meeting. Iniiwasan ko lang talaga ang mga tao dito.

Nagkaka-chat naman kami ni Gie kaya natsi-tsismis niya pa rin ang lahat ng ganap dito sa opisina. Sa kanya ko nalaman na nagpadala pala ng email si Dale kay Nina, 'yong admin ng gc kung saan nagkakaroon ng blind item ng mga chismis dito sa office.

"Lagi na lang kayong nasa office, ah. Baka iba na ang tina-trabaho niyo diyan." May pang-aasar sa boses ni Georgie.

"Tigilan mo nga 'yang pagiging green minded mo diyan. Busy kami sa trabaho as in work. No monkey business."

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon