Kabanata 18

11.3K 158 4
                                    

Kabanata 18

Iana's

Hindi talaga nakinig sa 'kin si Dale. Tuloy-tuloy ang paglalakad niya habang buhat ako. Ibinaba niya ako nang nasa harap na kami ng pinto nang tinutuluyan namin.

Binuksan niya ang pinto at hinila ako paupo sa couch. Iniwan niya ako saglit at nagmamadaling umalis. Ininda ko na lang ang sugat na natamo ko dahil sa pagkakadapa.

Bumalik naman kaagad siya at lumuhod siya sa harap ko. Dala niya ang first aid kit na kinuha niya sa may drawer.

Marahan niyang hinawakan ang binti ko at agad dinampian ng cotton na may alcohol.

"Aray!" Napakislot ako sa hapdi.

Hindi siya nagsasalita. Patuloy lang siya sa ginagawa. Hinipan niya ito bago dinampian muli ng bulak.

Biglang pumasok sa isip ko ang ginawang pagluhod ni Franco sa ginagawa ngayon ni Dale. I can't believe he really did it in front of his girlfriend. Hindi ba siya nag-iisip. I sighed.

"Masakit pa ba?" tanong niya matapos ang ilang sandali.

"Okay lang," sagot ko. Tinapos na rin naman niya kaagad ang ginagawa. Nilagyan niya ng band aid at niligpit niya na ang kit.

Akala ko tatayo na siya pero nanatili pa rin siya sa kanyang ayos. Mariin niya akong tiningnan na tila binabasa ang kung ano mang iniisip ko. Nailang ako bigla.

Iniwas ko ang paningin ko subalit naging mabilis ang kanyang kamay at hinawakan ang baba ko at marahang hinarap sa kanya. "Tell me the truth, anong namamagitan sa inyong dalawa ni Franco Steveson? May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?" may diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salita.

Umiling ako at tumayo ngunit persistent talaga si Dale na malaman ang totoo mula sa 'kin. Marahan niya akong tinulak paupo muli sa couch. "Alam kong may tinatago ka sa 'kin kaya huwag mo nang iwasan. Sabihin mo na sa 'kin ang totoo."

Huminga ako nang malalim na nangangahulugan nang pagsuko. Okay, if he wants to know the truth, I will tell him everything.

Sinabi ko kay Dale ang lahat. Ang relasyon ko kay Franco. Ipinagtapat ko rin na ang pagpunta ko sa Pilipinas ay hindi para magpakasal sa kanya kundi para tuparin ang pangako ko kay Franco. Hanggang sa paghahanap ko kay Franco at ang panloloko niya. Pati ang plano kong paghihiganti dito ay hindi ko kinaligtaang sabihin.

Matapos kong sabihin lahat ay naghintay ako ng kung ano mang komento mula sa kanya. Nagkaroon ng katahimikan. Tanging paghinga lang namin ang nanaig. Huminga siya nang napakalalim.

"May hindi ka pa ba sinasabi sa 'kin?" Puno nang kaseryosohan niyang tanong. Batid kong may kaunting dumaang sakit sa 'kin. Hindi ko alam kung saan nanggaling.

Sa reaksyon niya ay mukhang nasaktan siya sa ginawa kong panloloko. "Wala na..." pag-amin ko.

Hindi na 'yon nasundan pa ng tanong. Tumayo na siya at walang pasabing lumabas ng kwarto. Pabagsak niya ring isinara ang pinto.

Galit siya. Kahit alam naman naming parehong wala kaming relasyon at arrange marriage lang ito, makakaramdam pa rin ako ng galit dahil niloko ako. May karapatan siyang magalit at karapatan ko namang panindigan ang ginagawa kong desisyon.

Sumapit ang lunch na walang dumadating na anino manlang ni Dale. Magmula nang nag-walk-out siya kanina ay hindi pa rin siya bumabalik. Nagpasya na lang akong magpahatid ng pagkain sa kwarto. Kahit wala akong ganang kumain dahil sa nangyari, pinilit ko pa ring kumain. Siguro kasama naman ni Dale si Evans at si baby Ara kaya napanatag naman ako.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon