Kabanata 4

15.2K 226 5
                                    

Kabanata 4

Dale's

Wala talagang araw na hindi ako naiinis kay Iana. I really hate the way she talked to me. Nagawa niya pa akong takutin na aalis siya kapag tinanggal ko ang lalaking 'yon? So what kung umalis siya, I don't give a damn. Sa tingin ba niya gusto ko siyang makasama. Syempre iniisip ko lang ang sasabihin ni grandpa, for sure hindi niya magugustuhan iyon. I care about the company and my grandparents' feelings but never for her sake.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mukha ni Grey, one of my close friends.

"Dale, are you okay? You looked mad," bungad nito bago umupo sa upuan sa harapan ko.

"Bakit ka nakapasok agad dito?" Nagtataka kong tanong.

Ang magaling ko naman kasing secretary ay madalas nagpapasabi pa kung may papasok lalo na kapag walang appointment and even my friends are not exempted.

Kaya madalas naiinis 'yon kapag may babaeng pumapasok sa office ko. Lagi niyang hinahanapan ng appointment. Parang ewan lang.

"What do you mean? Because the door is open? Or are you expecting for your secretary?" Nakangisi na ang mukha niya ngayon.

Wtf. Bakit naman pumasok sa usapan si Iana, what about her? I can't believe this guy. Noong malaman niya na naka-arranged marriage ako, madalas na nilang akong asarin. Hindi lang siya pati si Evans and Lemon. Buti na lang si Maccoy hindi nakikisali.

"Nevermind. Bakit ka nga pala napadpad dito?"

May nilapag siyang dokumento sa table ko.

"I need your signature for this document. This is an assignment of receivables for the Taguig project. You already know that we resorted to borrowing loans from banks and this is one of the requirements."

Hindi ko na inusisa ang desisyon niya. Nung nakaraan ko pa nababalitaan ang ilang problemang kinakaharap ng company nila. May nagback-out atang ilang malalaking investors at lumipat sa competitor nila. Bumagsak din ng ilang percent ang stocks nitong nakaraang linggo.

Kinuha ko na ang document at agad pinirmahan. Nabasa ko na ito kanina dahil nag-send naman siya ng advance copy sa email. Iniabot ko naman agad ito.

"Hindi lang pala ito ang ipinunta ko. I'm here to remind you of the celebration next weekend."

"Celebration? For what?"

"Did you forgot the 2nd wedding anniversary celebration of Evans? The event will be held in a beach in Batangas."

Napaisip-isip naman ako sa sinabi ni Greyson. Good idea! I want to unwind.

"Yeah, I really forgot. Thanks!" I said.

May naiisip na akong magandang plano. Palalabasin kong outdoor conference ang pupuntahan ko at syempre isasama ko ang sekretarya ko. It's time na makakaganti na din ako sa babaeng 'yon. Let's see kung hanggang saan siya dahil papahirapan ko talaga siya.

"Okay. See you! I'll go now."

Lumabas na si Greyson at tinuloy ko na ang ginagawa ko. Ilang minuto ang nakalipas at sumakit na ang likod ko.

Kinuha ko ang telepono at tinawagan ang linya ni Iana. Uutusan ko muna siya para naman mapakinabangan ko siya dito sa opisina.

Ilang beses kong dinial pero walang sumasagot sa line niya. Naisip kong baka nag-CR pero bakit ang tagal naman ata? Inuubos na naman ba ng sekretarya ko ang pasensya ko. Hindi ko na dinial ang linya niya sa halip ay lumabas na lang ako para mabulyawan ang babaeng iyon.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon