Kabanata 30

10.3K 122 12
                                    

Kabanata 30

Iana's

I woke up with him beside me. We're both naked under the blanket. I can't forget how he made me feel loved despite all my imperfections.

"Hmm... let's sleep more," he whispered and pulled me to tighten his embrace.

Humarap ako sa kanya at dinama ang kanyang mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala na aabot kami sa ganito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nalalapit naming kasal. Sana hindi siya magbago kahit kasal na kami.

"Stop teasing me..." Nagmulat ng mata si Dale at ngumiti sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Wala naman akong ginagawa."

"Don't stare at me... I might fall harder than I imagine."

Pinigilan ko ang pagngiti ko. Lumawak naman ang ngiti niya at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Are you sore?" Uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya. Kailangan niya pa ba talagang itanong 'yon?

"Yes, so stop whatever you're thinking." Inunahan ko na agad siya bago kung saan pa mapunta ang usapan namin.

He chuckled.

"Wala akong iniisip na iba, Love. Baka ikaw ang may gustong gawin ngayon." Tumaas baba pa ang kilay niya.

"Get off me. Maliligo na ako."

"Ayaw mong sabay tayo?"

Itinulak ko siya dahil ayaw niya pa talagang bumangon. Puro kalokohan pa ang iniisip.

"No way, Dale. Sige na, bumalik ka na sa room mo. Sabay na tayong bumaba." Pinatakan niya pa ako ng halik bago tumayo.

Napapikit ako nang walang hiya-hiya siyang nagbihis sa harap ko. Tumatawa siyang lumabas ng kwarto ko.

Naligo ako at nagbihis. Nagbo-blower pa ako ng buhok nang pumasok ulit si Dale sa kwarto ko, nakabihis na at amoy na amoy ang panlalaki nitong pabango.

"Love, may gagawin ka ba ngayon?" Nakatingin ako sa salamin at doon siya tiningnan. Akala ko magtatanong na siya sa nangyari kagabi. Hindi manlang siya nagtanong at tila kinalimutan na kaagad ang nangyari.

It's saturday at wala naman akong importanteng gagawin. Naisip kong may pinlano nga pala akong libro na bibilhin.

"Baka mag-mall ako mamayang hapon. Why?"

"Wala. Sasama lang sana ako sa 'yo." Natatawa niyang saad.

Umiling ako sa kanya at tinapos ang ginagawa. Inaya ko na siyang bumaba para makapag-breakfast.

Magkahawak-kamay kaming bumaba at parehong nakangiti. Napawi ang ngiti namin at napalitan ng gulat nang napatingin kung sino ang nag-aantay sa amin sa living room.

"Grandma! Grandpa! Ngayon pala ang flight niyo, hindi naman kayo nagsabi na ngayon pala ang uwi niyo. Akala ko tuloy kung ano na ang nangyari kaya wala kayong pasabi," gulat na gulat na sabi ni Dale. Nakangisi itong niyakap si Lola Olivia at Don Arturo.

Tipid na ngumiti si grandpa. Si grandma naman ay dumapo ang tingin sa akin kaya agad akong ngumiti. Hindi niya sinuklian iyon na siyang kinabigla ko. Naiilang na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Dale. Napasulyap ito sa akin at hindi naman na nagkomento.

"Hindi talaga kami nagpasabi dahil may gustong sumupresa sa 'yo..." Kumunot ang noo ni Dale sa sinabi ng lolo niya.

"Surprise!!!" May magandang babaeng pumasok. Suot nito ang white off shoulder dress. Kulay brown ang buhok nito at kulot ang dulo. Maputi din ito at halos kasingtangkad ko rin.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon