Kabanata 38
Dale's
"Bakit pa kayo tumatawag kung wala naman kayong matinong lead kung nasaan ba ang fiancé ko?! Do everything to find her. Hindi ko kayo binabayaran para sa wala. Next time na tatawag ka make sure na alam mo na kung nasaan siya. Understand?" Ibinagsak ko ang telepono at napahilot na lang sa sentido sa sobrang frustrations ko sa mga nangyayari.
It's been five years when she left me. Everyone was telling me to stop looking for her and just move on, but how can I do that when I feel in my heart that I'm one step away from her. Hindi ako pwedeng tumigil ngayong mas ramdam kong malapit ko na siyang makita at makasama.
Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagkahulog ng mga dokumento sa pagkakahawak ng secretary ko. Napapikit na lang ako sa inis. Alam kong hindi ko dapat ibunton ang galit ko sa ibang tao pero hindi ko maiwasan. Sa loob ng limang taon ay unti-unting umiiksi ang pasensiya ko sa lahat ng bagay.
"What are you still doing here? Hindi ba sinesante na kita?" marahan kong saad sa babaeng nagpupulot ng mg papel na nahulog.
Halata sa kilos niya ang pagkataranta at takot sa akin.
"S-sir, this is my last day. Ahm... I will just give these documents for your review and a-approval." Tumayo siya matapos pulutin ang natirang documents at mabilis na pinatong sa table ko bago nagpaalam na aalis na.
Hindi ko na mabilang kung ilan na ang naging sekretarya ko magmula nang umalis si Iana. Madalas na hindi sila nagtatagal ng higit sa dalawang buwan. Pinakamaiksi na ang isang linggo. Si Bubbles lang ang tanging nagtiyaga sa akin.
Tinawagan ko siya nang maalalang may kailangan akong interviewhin na applicant ngayon. Hindi nagtagal ay pumasok naman siya sa loob ng office. Halatang-halata na sa tiyan nito na malapit na itong manganak.
"Yes, Sir?" Dumiretso ito sa upuan sa harap ko. Pasulyap ko lang siyang tiningnan habang nire-review itong mga dokumento sa harap ko.
"I thought may applicant ngayong araw? Bakit wala pa hanggang ngayon? If sa scheduled interview pa lang ay hindi na niya kayang maging ontime, better if I-cancel mo na lang ang interview. May mahahanap ka pa namang ibang applicant for the secretarial position, right?"
Ngumiwi si Bubbles. "Sir Dale, I don't need to cancel the interview since the applicant is no longer interested in the position. Well, I can recommend one last applicant but Sir... if hindi niyo pa rin po ito magustuhan, wala na po akong magagawa. Nagagalit na po ang asawa ko sa akin. Baka tuluyan na po akong patigilin no'n sa pagtatrabaho."
Tumango ako sa kanya. "Okay, I understand. You can file your maternity leave as early as tomorrow. Don't worry about me, I can manage."
"Salamat po, Sir Dale," saad nito bago umalis.
Sa loob ng limang taong pagkawala ni Iana ay wala na talagang nagtatagal na sekretarya ko. Kung hindi ko sinisesante ay sila naman ang kusang umaalis. Malaki ang naging epekto nang pag-iwan sa akin ni Iana. Naging mainitin ang ulo ko lalo na pagdating sa mga bagay na lubos na nagpapaalala sa kanya. Wala atang papasang sekretarya ko kung hindi siya lang.
Malinaw na malinaw pa sa isipan ko nung araw na nagdesisyon siyang iwan ako matapos ng gabing pinagsaluhan namin.
Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone. Kinapa ko ang tabi at naabutan wala na nga si Iana pero hindi pumasok sa isip kong umalis siya. Malamig na boses ni Yul ang sumalubong sa akin nang sagutin ko ang tawag niya.
"Sir... Si Ms. Iana po ay nasa labas ng mansyon at pinipilit na isama ni Franco Steveson--" I cut him off. Mabilis akong nagbihis at nagtatakbo palabas. Ang marinig pa lang ang pangalan ng Franco na 'yon ay isa ng masamang balita.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...