Kabanata 42
Iana's
"May problema ka ba Elaine? Parang kanina pa malalim pa ang iniisip mo?" Napatingin ako kay Leon at inilingan ito.
"Wala Leon, napagod lang ata sa byahe kahit tinulugan ka lang namin ni Din-Din."
Natawa ito sa naging sagot ko.
"Nagrereklamo ba ako 'Laine? Hindi naman 'di ba."
Binalingan ko si Din-Din at busy na naman kakalaro. Tapos na kaming kumain at nag-aantay na lang ng bill. "May pupuntahan pa ba tayo Leon pagkatapos dito?"
"Grocery muna tayo before umuwi. Pinalinis ko na 'yong condo ko but walang stocks ng pagkain. Syempre ayaw ko naman magutuman ang baby ko. Right, baby?"
Nag-thumbs up lang ang busy na si Din-Din. Close na close talaga sila ni Leon, hindi ko maiwasang isipin kung si Dale kaya ang kinalakihang ama nito ay ganito rin ba sila ka-close? Malungkot akong napangiti.
"How about you? May dadaanan ka pa? Or may kailangan ka pa bang bilhin?"
Umiling ako. "Wala na, nabili ko na kanina."
Dumating na ang bill na agad binayaran ni Leon. Magbibigay pa lang ako ay mabilis na niyang inabot ang card niya. Minsan ay hinahayaan ko siyang magbayad ng pagkain namin pero syempre ayoko naman na palagi dahil may pera naman ako. Minsan na naming pinagtalunan ito kaya wala na rin siyang magawa kapag nagpupumilit talaga ako.
"Ako ang magbabayad ng grocery natin, ah. No buts," seryoso kong saad.
Tiningnan niya ako at sumuko na rin. "Fine, kailan ba ako nanalo sa 'yo?"
Nag-ikot-ikot kami sa grocery store at bumili ng mga kailangan for the week. Ilang beses kong sinaway si Leon nang payagang kumuha si Din-Din ng candies at junkfoods. Nang matapos ay pumila na rin kami.
"Baby, may gusto ka pa bang bilhin?" tanong ni Leon
"No, chocolates please," pag-iinterrupt ko sa usapan nila.
"Wala na po daddy," sagot nito. Humarap naman siya sa akin at ngumiti. "Yes po, mommy."
"Very good."
Nang makitang mukhang matatagalan pa kami ay nagpaalam muna ako sa dalawa.
"Leon, mag-cr lang ako. Here's my card. Subukan mong hindi gamitin 'yan, magtatampo talaga ako sa 'yo," bilin ko pa.
"Oo na, 'Laine. Wait... gusto mo bang samahan ka namin?"
Napangiti ako sa kanya. "No need, I'll be okay. CR lang naman."
"Sure?" Tumango ako at iniwan ko na sila.
Napapailing na lang ako kay Leon. Mayroon talaga siyang isang salita. Nangako siyang siya ang bahala sa amin ni Din-Din at tinototoo niya ito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip ang nangyari noon. Kung sinama ko kaya si Leon noong lumuwas kami ni Din-Din, hindi kaya 'yon nangyari Ipinilig ko ang ulo ko. What's the point? Tapos na at nangyari na, wala na akong magagawa.
Pagdating ko sa CR ay mahaba rin ang pila. Nag-browse ako sa internet at tumingin-tingin sa news feed ko. Meron akong fb pero hindi naman ako nagpo-post ng kahit anumang picture namin ni Din-Din. Gumawa lang ako dahil medyo weird nga kung wala akong facebook sa panahon ngayon. Puro shared post lang tuloy ang laman ng fb ko.
Ilang beses kong sinubukang hanapin ang mga dati kong kaibigan tulad ni Georgie o ni Knight sa fb pero parehong private ang account nito. Hindi ko naman pwedeng i-add dahil for sure hindi naman nila ako i-a-accept. Wala naman silang kilalang Elaine. Wala tuloy akong balita kung ano na ang nangyari sa kanila. Nakaka-miss ding balikan ang panahong nagtatrabaho pa ako bilang sekretarya ni Dale.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...