Kabanata 61
Iana's
Sunod-sunod ang text ni Dale habang nasa taxi ako pauwi. Maiksi ko naman itong nireplayan na nauna na akong umuwi kahit alas tres palang ng hapon. Sa bahay ko na sana papadiretsuhin si Din-Din galing sa school niya nang tumawag si grandma at nakiusap sa akin kung pwedeng makita ang apo nila. Ako na ang nag-suggest na didiretso na lang sa mansion si Din-Din para hindi na sila mapagod pumunta dito. Hindi naman ako makahindi sa pakiusap ng matanda at wala naman akong nakikitang problema doon.
"Hi Iana, hija. Nandito na ang apo ko. Gusto mo bang kausapin?" Naka-video call kami at biglang nawala si grandma. Mukhang inabot ang ipad kay Din-Din.
Nasa may hagdanan na ako paakyat sa kwarto nang bumungad ang mukha ni Din-Din sa screen.
"Hi mommy! I'm here at Lola's house. It's so big like the house of Lolo Mayor and Mamita!" Tuwang-tuwang niyang saad.
Mukhang namiss talaga niya ang routine niya noon na dumidiretso sa bahay ng mga Angeles pagkatapos sa day care. Malaki ang mansion ng mga Perdigon na tiyak na ikinamangha ni Din-Din.
"Wow! What are you doing right now? Mag-behave, okay? Huwag makulit kina grandma. Hindi ka na niyan mahahabol," bilin ko pa dito habang binubuksan ang ilaw sa kwarto bago pumirmi ng upo sa kama.
Sumingit naman si grandma sa screen. "Don't worry Iana, Sally and Lina are here. Nakabantay rin sila sa apo ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Gusto mo ba silang makita?"
Mabilis akong tumango. Napalapit na rin ako kahit papano kay Ate Sally at Ate Lina pati na kay Manang. Hanggang ngayon pala ay nandoon pa rin sila sa mansion.
"Sally, Lina, gusto kayong makausap ni Iana." Ilang sandali lang ay tumambad sa akin ang dalawa.
"Jusko! Buhay ka nga talaga, ma'am. Akala namin namatay kayo sa aksidente." Si Ate Sally na nginitian ko na lang.
"Parang dati si baby Ara lang ang bata dito sa mansion. Ngayon ay may Din-Din na. Kamukha-kamukha talaga siya ni Sir Dale." Si Ate Lina naman.
"Medyo makulit 'yan kapag walang ginagawa. Kayo na po ang bahala Ate Sally at Ate Lina. Bibisita po ako diyan kapag may oras."
"Oo, huwag kang mag-alala kami ang bahala sa anak niyo ni Sir Dale."
"Ate, I want to pee." Narinig kong boses ni Din-Din. Nagpaalam si Ate Lina sa akin.
"Paki-guide, Lina, careful baka madulas," bilin ni grandma bago humarap sa akin.
"Hi hija, salamat at pinayagan mong dumaan dito ang apo ko. Ito ngang grandpa mo ay busy pa ngayon sa paghahanap ng movie na gustong panoorin ni Din-Din." Natawa naman ako sa sinabi ni grandma. Talagang nag-eeffort ang dalawang matanda para mapaluguran ang apo.
"Wala po kayong dapat ipagpasalamat grandma. Pasensiya na po at ngayon ko lang ipinakilala si Din-Din. Marami lang pong nangyari sa akin sa nagdaang taon."
Nakita ko ang pagseseryoso ni grandma at pagdaan ng lungkot sa mata niya. Agad kong dinagdagan ang sinabi ko.
"Pero tapos na po 'yon grandma, naging maayos naman po kami ng anak ko at masaya po ako na nakabalik na kami ngayon."
"Alam ko apo, naging malaking hadlang kami sa relasyon niyo ni Dale noon. Pagpasensiyahan mo na talaga kami dahil sa mali naming desisyon. Si Arturo na inuna ang kapakanan ng kompanya at ako na tanging inisip ang mawawala kay Dale. Dahil sa ginawa namin, nawala ang taon na dapat kasama ni Dale ang anak n-niya..." Unti-unting namuo ang luha sa mata ni grandma.
Nahawa ata ako kay grandma kaya medyo naiiyak na rin ako. Pinagpatuloy niya ang pagsasalita.
"Dahil sa amin naging miserable ang nag-iisa naming apo. Huli na naming na-realize ang impact ng desisyon namin kay Dale. He became a different person when you left, hija. Naging matigas siya at nagawa niyang talikuran ang lahat ng meron siya. Pati ang kaistriktuhan ni Arturo ay walang nagawa. Sa nagdaang taon, wala siyang ibang ginawa kundi hanapin ka."
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...