Kabanata 45

9K 126 35
                                    

Kabanata 45

Dale's

Magkasunod na katok ang narinig ko bago pumasok si Pearl. Napatunghay ako dito at agad nagsalubong ang kilay ko sa itsura niya. Basa ang ilang parte ng damit niya at puno ng takot ang mukha.

"What happened to you?"

"S-sir kasi po.. may gusto pong pumasok sa office niyo. Hindi ko po pinagbigyan kasi bilin niyo po na huwag kong papasukin kung wala namang appointment kaya po..." Dumako ang tingin niya sa kanyang basang damit.

Napapikit na lang ako. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"Okay, papasukin mo na siya."

Ilang sandali ay pumasok ang nagdadabog na si Elysse. Pabagsak niyang isinara ang pinto bago umupo sa upuan sa harap ng table ko.

"Saan mo naman napulot ang secretary mo, Lenard. Napaka-boba!" iritado niyang sabi.

"Kung hindi ka niya pinapasok, then it's my protocol. Stop being rude, Elysse. Hindi mo hawak sa leeg ang mga tao dito. Don't come in my office if you don't have an appointment with me."

Pinagtaasan lang ako nito ng kilay.

"So you'll treat me like I'm stranger, huh? Nagbago ka na talaga, Lenard. It's like you're a different person, now. Why are you treating me like this? Tell me... may ginawa ba ako sa 'yo kaya mo ginagawa ito?"

Bumalik ang naging usapan namin ni grandpa nung nakaraan sa ospital. Nawala na sa isip ko na komprontahin si Elysse dahil naging busy ako sa naging investigation kay Iana. Ngayon ko lang ulit naalala. Good thing, hindi ko na kailangang hanapin si Elysse dahil siya na mismo ang kusang lumapit sa akin.

"Ikaw ba Elysse, may bagay na hindi sinasabi sa akin?"

"What do you mean by that?"

"I've talked to grandpa last time..." Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. "May sinabi siya sa akin na bagay na sinabi mo raw. Now, you tell me, kung saan mo napulot ang idea na magpapakasal tayo? Wala naman akong amnesia na nakalimutan kong may pinag-usapan pala tayong gano'n."

She gritted her teeth. "You already know that, it's been the plan since day one. We'll get married for the business sake. Your grandparents agreed..."

"It was the plan before... yes... but didn't I make myself clear that I won't marry unless she's Iana. One more thing, is it true that Iana showed up in my office years ago?" pinipilit kong hindi haluan nang ano mang emosyon ang sinabi ko. Kailangan kong malaman ang totoo.

Parang baliw na tumawa si Elysse sa harap ko.

"Paanong bibisita sa opisina mo si Iana? Kailangan ka ba maniniwalang patay na siya. At ngayon gugustuhin mong magpakasal sa taong patay na, Lenard? Paano mo magagawa 'yon? Ako 'yong nandito. Ako 'yong ilang taon nang nasa tabi mo tapos iniisip mo pa rin ang babaeng 'yon. Just move on... I'll help you move on. Marry me."

Mabilis na nag-shift ang emotion ni Elysse. Umiiyak na lumuhod siya sa harapan ko.

"I'm begging you, Lenard. Please accept me again in your life. I'll be a good girlfriend or a wife to you. I'll do everything..."

Tumayo ako at agad siyang dinaluhan.

"Get up, Elysse. Hindi mo deserve ito. May lalaking darating na magiging deserving pa sa 'yo at hindi ako 'yon kaya please... tumayo ka na."

"No... Lenard, ayoko, hindi pwede. Ikaw lang ang gusto ko. Ayoko ng iba. Please give me a chance. I'll promise that I'll be worth your time."

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang frustrations. Hindi ko kayang makita si Elysse na tinatapon ang sarili sa akin. Lumaki akong kasama siya. Naging kaibigan ko siya at hindi ito ang pagkakakilala ko sa kanya. She's a tough girl. She has a strong personality. Ang makita siyang ganito ay hindi ko matatanggap.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon