Kabanata 37

10.1K 129 43
                                    

Kabanata 37

Iana's

"Denielle, mag-ingat ka!" saway ko sa apat na taong gulang kong anak.

"Don't worry Elaine, inaalalayan ko naman siya kaya huwag ka nang masyadong paranoid dyan," nakangising sabi ni Leon.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin limang taon na ang nakalilipas. Nang maisugod kasi ako sa hospital noong dinugo ako ay ilang araw rin akong nakaratay lamang. Mabuti nga at nadala agad ako kasi kung matatagalan daw ay malaki ang tyansa na hindi naisalba ang bata sa aking sinapupunan.

Ilang balde ng luha ang iniyak ko noon. Takot na takot kasi ako. Akala ko mawawala na sa akin ang anak ko. Simula nang nangyari 'yon ay nagbago na ang trato sa akin ni Leon. Ewan. Na-guilty siya at sinisi niya kasi ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Naging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Palagi siyang nandiyan para sa anak ko. Hindi ko naman hiniling pero siya ang tumayong ama ni Din-din, palayaw ng anak ko. Lahat ng pangangailangan ni Din-din ay binibigay ni Leon. Madalas ko siyang pigilan pero ayaw papigil, hindi niya naman daw kasi ginagawa 'yon para sa akin kung 'di para sa anak ko. Wala tuloy akong magawa.

Hindi ako pinayagang umalis nila Ma'am Bella nang um-okay ako matapos kong isugod sa hospital. Hinayaan naman nila akong mag-desisyon pagkatapos kong manganak pero sa huli ay pinili ko na lang na manatili sa lugar na ito. Nakamtan ko naman ang tahimik na buhay na kinakailangan ko at ng anak ko.

Nagkaroon ako ng sariling buhay sa bayan ng Malvar sa katauhan ni Elaine Manahan. Nakatira ako sa isang paupahan na pagmamay-ari rin ng pamilya Angeles. Ilang beses nila akong pinilit na sa mansion nila tumira pero hindi ako pumayag. Sa ngayon ay nagtatrabaho ako bilang finance officer sa coffee business ni Leon.

Ekta-ektarya ang lupain ng Angeles dito sa Malvar. Malaki sa porsyento nito ay coffee farm. Sa ngayon ay si Leon ang namamahala dito. Halos lahat ng coffee shops dito sa kalapit na probinsiya ay kliyente namin. Ngayon pa lang namin ito mina-market sa labas ng probinsiya. Hindi naman kasi ito pinagtuunan masyado ni Leon ng pansin gayong nagtatrabaho siya bilang engineer ng isang firm sa Manila bago tuluyang nagdesisyon na i-manage na lang ang kanilang family business.

May isang palapag na opisina ang company ni Leon. Iilan lang kaming staff dahil lamang talaga sa bilang ang trabahador sa farm. Naka-aasign ako sa financial matters ng business. Madalas akong kasama ni Leon sa mga meetings. Sunod-sunod nga ang business deals na na-close namin ngayon taon. Palaki ng palaki ang sales ng kompanya. Malimit sabihin ni Leon na si Din-Din ang lucky charm niya dahil simula nang dumating ito sa buhay niya, nagsunod-sunod na ang magandang nangyayari sa kanyang buhay.

Kasalukuyang naglalaro ang anak ko ng habul-habulan kasama si Leon. Napangiti na lang ako nang mahuli siya ni Leon at inilagay sa balikat niya. Parang naging musika ang tawa ni Din-Din o Denielle Lianna Angeles sa tainga ko. Ayoko mang gamitin ang apelyido ng mga Angeles para sa anak ko pero wala akong ibang choice. Nagtatago pa rin ako hanggang ngayon kaya ang paggamit ng apelyido ng Angeles ay mag-iiwas sa mga taong magtanong kung sino ang ama niya o kung saan ang pinanggalingan namin.

May mga araw na nalulungkot ako at nagi-guilty sa tuwing naiisip ko ang tunay niyang ama pero sa tuwing binabalikan ko ang naging desisyon ko, alam kong ito at ito pa rin talaga ang pipiliin ko. I think it's for the greater good. Tanggap ko na kahit ilang taon man ang lumipas mananatiling bawal ang relasyon namin ni Dale ngayon pang kasal na siya sa ibang babae at marahil may anak na rin.

Hingal na hingal na lumapit sa akin si Din-Din. Sinalubong ko siya ng towel na pampunas. Palagi talaga akong may dala nito dahil pawisin ang anak ko.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon