Kabanata 51

8.7K 134 30
                                    

Kabanata 51

Iana's

"Good morning Elaine. Hello, Din-Din!" Narinig ko ang boses ni Dale sa likod ko habang nagsasara ako ng pinto. Sabado ngayon at pupunta kami sa mansion ng mga Angeles. Naghanda si Ma'am Bella sa mansion at maaga pa lang ay tinawagan na kami para pumunta sa kanila.

"Hi po! Tito." Si Din-Din ang sumagot sa kanya.

Lumingon ako at naabutan siyang naka-squat para pumantay sa anak ko. Tipid akong ngumiti sa kanya nang tumunghay siya sa akin.

"Aalis na kayo? Paalis na rin ako, baka gusto niyong sumabay?" Malawak na naman ang ngiti niyang saad sa akin.

"Ahh... Hindi na, susunduin naman kami ni Leon," sagot ko naman.

Napawi na naman ang ngiti niya at napalitan ng hilaw na ngisi ngayon. Isang linggo na siyang straight na nandito at isang linggo na rin niya kaming inaayang sumabay sa kanya pero gaya dati ay tinanggihan ko ito. Medyo nakakaramdam na rin nga ako ng lungkot sa tuwing tini-turn down ko siya pero ito ang sa tingin ko tamang gawin sa ngayon. Kung si Iana siguro ako ay papaunlakan ko siya pero ako si Elaine, at bilang Elaine, parang hindi naman ata normal na magpapahatid ako sa kanya. Kapitbahay ko lang siya, ni hindi ko nga siya masasabing kaibigan sa ngayon.

Hindi ko alam sa sarili ko e, habang tumatagal na nakikita at nakakausap ko si Dale, parang hindi na talaga ako nagpapanggap sa kanya. Sa tagal ko na rin kasi na nabuhay sa katauhan ni Elaine ay napangatawanan ko na ito at nabura na talaga ang bakas ni Iana Laureen. Hindi na rin ako kinakabahan at wala na ang takot ko sa tuwing pinagmamasdan niya ako. Casual kami kung mag-usap. Gano'n din naman siya sa akin.

Tumango siya at tumayo. "Ah, gano'n ba? Sige, mauna na siguro ako." Bumaling siya kay Din-Din.

"Bye, Din-Din, see you later?"

Ngumiti ang anak ko sa kanya na sinuklian din niya ng ngiti. "Are you not leaving again? 'Yong maraming tulog?"

Sa isang linggong diretsong nanatili si Dale dito sa apartment ay napalapit na siya kay Din-Din. Sa kwento ni Ate Mina ay wala naman daw ibang ginagawa si Dale. Madalas lang daw talaga itong tumambay sa labas ng apartment niya at pinapanood si Din-Din maglaro pagkatapos ng klase. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may alam ba siya tungkol kay Din-Din. Hindi ko alam kung alam niyang anak niya ang bata. Wala naman kasi siyang sinasabi. Hindi rin siya nagtangkang kausapin ako kahit may pagkakataon naman. Wala tuloy akong hint kung ano bang tumatakbo sa utak niya.

Mahina siyang napahalakhak. "Maybe, next week... Tatlong tulog bago ako bumalik dito."

"May pasalubong po ako?" excited na sabi ni Din-Din na agad kong sinaway.

"Din-Din, 'di ba nag-usap na tayo?" Tinignan ako nito bago tumango.

Noong isang araw ay medyo pinagsabihan ko ito. Hindi ko naman siya direktang pinagbawalan na makipag-laro kay Dale pero sinabihan ko siya na huwag humingi ng regalo dito. Nai-kwento kasi ni Ate Mina na minsan nagtanong si Dale sa bata kung anong gusto niya at kung ano-anong laruan daw ang sinabi ni Din-Din. Naisip ko na naging close talaga sila sa maiksing panahon para gano'n kung magdaldal si Din-Din. Hindi naman ito ganoon kapag hindi niya kasundo.

"Joke lang po, Tito. Ingat po ikaw." Nahihiya siyang ngumiti kay Dale kasabay ng pagbusina sa labas. "Is it Daddy Leon?" biglang tanong niya at nang tumango ako ay mabilis na nagtatakbo palabas ng gate.

"Ah, una na siguro kami." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis ko na siyang tinalikuran. Naghihintay na nga si Leon sa labas. Naabutan ko karga na niya si Din-Din. Nang makita ako ay binaba niya ito at pinagbuksan na kami ng pinto.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon