Kabanata 57

9.1K 133 25
                                    

Kabanata 57

Iana's

Simula nang umalis si Din-Din kasama si Dale ay wala naman akong ibang ginawa kundi magmukmok dito sa bahay. Halos dalawang araw palang ang lumipas pero parang matagal nang nangyari ang gabing 'yon at ngayon ay kinakain na ako ng lungkot. Halos hindi na rin ako makatulog sa pag-iisip sa kalagayan ng anak ko. Alam ko namang hindi siya pababayaan ni Dale pero hindi maalis sa akin bilang ina na hindi mapalagay. Limang taon kaming magkasama ng anak ko at ngayon lang siya nahiwalay sa akin ng ganito kaya nahihirapan talaga ako kahit madalas naman kaming nagbi-video call.

Sa ilang minutong video call ay nawawala naman ang lungkot ko sa dami ng kwento niya. Mukhang pinaghandaan ni Dale ang pagdating ni Din-Din dahil marami laruan ang laging pinapakita sa akin ng anak ko. Nakikita ko naman na masaya siya kaya masigla ko naman siyang kinakausap pero pag-gabi at matutulog na, doon lang bumubuhos ang lahat sa akin. Nakakatulog ako habang umiiyak.

Lunes ngayon at dapat may pasok ako sa office. Nag-text lang ako kay Leon na hindi ako makakapasok ngayon. Nakakahiya kasi pauwi palang siya dito sa Malvar at ako ang inasahan niya sa opisina. Gustuhin ko man ay hindi ko talaga kayang pumasok ngayong pakiramdam ko ay wasak na wasak ako.

Leon:

Masama ang pakiramdaman mo? Huwag mo isipin ang work. Rest well, Laine.

Nireplay-an ako naman ito ng isang maiksing...

Ako:

Ok. Salamat Leon.

Ilang oras pa akong nakipatitigan sa kisame bago tuluyang bumangon sa kama. Tamad na tamad talaga ang katawan ko pero pinilit kong maligo baka sakaling magkaroon naman ako ng lakas para magpatuloy. Naglinis rin ako ng buong bahay na halos kumintab na ang sahig sa ginawa kong paglilinis. Gusto kong okupado ang utak ko para hindi si Din-Din ang lagi kong iniisip.

Nagluto rin ako ng natitirang stock ng karne sa ref. Nag-defrost din ako pagkatapos. Tiningnan ko ang ref at nakitang tubig na lang ang laman nito. Kailangan ko na rin palang mag-grocery. Naglista ako ng mga dapat bilhin bago kumain ng lunch.

Habang naghuhugas ng plato ay biglang tumunog ang phone ko. Napangiti ako ng rumihestro ang number ni Dale. Paniguradong si Din-Din ito. Inihanda ko ang ngiti ko nang i-accept ang call. Napawi lang 'yon nang seryosong mukha ni Dale ang bumungad sa akin. Medyo nanlaki pa ang mata ko sa gulat pero agad naman siyang umalis para tawagin si Din-Din kaya agad akong nakabawi.

"Baby... Here's your mom..." Narinig kong sabi niya bago nawala sa screen. Pumalit si Din-Din na medyo basa pa ang buhok.

"Hi mommy. I miss you so much. I wish you were here with us," malambing niyang saad. Hindi maalis ang tingin ko sa screen. Miss na miss ko na rin talaga ang anak ko.

"I miss you, too, anak. Kumusta ka na? Naligo ka bang mag-isa? Marunog ka na?" mangha kong saad. Naka-pink siyang bathrobe at kitang-kita ko pa ang pagtulo ng tubig mula buhok niya.

"Yes, Mmy. Naligo po ako mag-isa. Ayaw ko kasing si Papa ang magpapaligo sa akin eh, gusto ko ikaw lang kasi pareho tayong girl."

Papa?

Ngayon ko lang narinig na tawagin niyang Papa si Dale. Parang noong nakaraan kasi ay daddy ang tawag niya dito.

"Marunong ka naman ba?" Nakangiti kong saad.

"Yes, mommy. I know how to take a bath because I'm big girl now," proud niyang saad. Hindi ko alam kung ngingiti ako o maiiyak. Naalala ko noong panahon baby pa siya. Ngayon na sinasabi niyang malaki na siya, parang gusto kong maging baby na lang siya ulit. I really miss my Din-Din.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon