Kabanata 6

14.4K 226 4
                                    

Kabanata 6

Dale's

Naiinis ako kay Iana. That's an understatement.

Buong araw akong walang nagawa dahil sa patuloy na pagpa-flashback nang sinabi niya sa 'kin. Hindi man niya direktang sinabi na may nagugustuhan siyang iba ay pareho lang din iyon.

Paano niya nasabi 'yon sa akin na walang kakurap-kurap. Walang alinlangang inamin niya indirectly na may lalaki nga siyang nagugustuhan. It's not because I'm jealous but my ego was hurt.

Tiningnan ko ang kapeng ipinatong niya sa table kanina na ngayon ay malamig na. Sa sobrang inis ko, e walang habas ko itong tinulak sa table at natapon na ngayon sa sahig.

Naiirita akong lumabas sa opisina at naabutan ko ang babaeng kinaiinisan ko sa table niya at busying-busy sa ginagawa samantalang ako ay naiirita. It's 5:30pm but she's still here. Nakaisip ako ng magandang ideya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang palapulsuhan. Ikinagulat niya iyon.

"Ano bang ginagawa mo, Sir?" Nagkasalubong ang kilay niya dahil sa ginawa ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hinila ko siya papasok ng executive elevator.

"Ano ba bitiwan mo nga ako? Isa!" Kahit anong sabihin niya ay hindi ko siya pinapakinggan. Hinahampas na rin niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya gamit ang isa niya pang kamay.

Masyadong mahigpit ang hawak ko kaya hinding-hindi siya makakawala kahit ano pang gawin niya. Pagkalabas namin sa basement ay dumiretso agad ako sa aking kotse kasama siya. Sapilitan ko siyang isinakay sa loob ng kotse.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ilang sandali lang ay nasa loob na kami ng isang bar. Lemonade Restobar to be exact, matatagpuan sa Makati. Pagmamay-ari ito ng kaibigan kong si Lemon Zamora, the man who's addicted to booze and music.

"Ano ba! Anong ginagawa natin dito?" Naiirita niyang saad.

Wala pang masyadong tao pero mayamaya ay dadami rin ito. Masyadong maaga pa ang 6pm.

I smiled to the people who greeted me. Madalas kaming pumunta ng bar ng mga friends ko when we were in college. Si Lemon ang pinakamahilig kaya naisipan niyang magtayo ng sarili niyang bar. Paminsan-minsan na lang kami pumupunta dito due to the demand of our work. Sa mga espesyal lang na araw o 'di kaya kapag si Lemon ang nag-aya dahil libre 'yon.

Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang makapasok kami sa VIP part ng bar. It's located at the second floor of the establishment. Parehas lang ang saya na makikita dito just like the normal bar, the difference is may membership ang nakakapunta dito. Usually, high-end party goers like artists, bachelors, businessman and so on.

Good thing at nasa likod ko pa rin si Iana. Akala ko tumakas na naman. Mukhang hindi niya alam ang gagawin. I bet it's her first time to experience to be in this kind of place. She should thank me for bringing her here.

Hinila ko siya at pinaupo sa isang mahabang sofa. She looks so out of place, probably because of her dress. May mga taong tinitingnan siya at ngumingisi. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit kanina pa siya nakayuko at hindi nagsasalita. I feel guilty, shit!Kahit hindi naman dapat.

May lumapit na server at agad akong nag-order ng food and drinks. Other than alcoholic beverages, they also offer dinner course and snacks. It's restobar afterall.

Pinangahalatian ko kaagad ang kaka-serve na drink. Medyo nagdadalawang isip ako sa plano ko but because of the alcohol, I had the courage to pursue my plan for tonight.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon