Kabanata 39

9.3K 123 13
                                    

Kabanata 39

Iana's

"We got the deal!" masayang saad ni Leon sa meeting namin ngayong umaga.

Nagpalakpakan kaming lahat sa kanyang magandang balita. Nakuha namin ang kontrata bilang supplier sa Kopi de Batangas, isang sikat na coffee shop na may sampung branches sa buong probinsiya.

"Congrats po Sir Leon!" masayang bati ni Ms. Shirley, ang HR Manager.

"Huwag ako ang pasalamatan niyo kundi ang inyong mga sarili. Dahil sa inyo ang lahat ng ito. Ang tagumpay ng Angeles Barakopi, Inc. ay tagumpay nating lahat. Kaya ako ang lubos na nagpapasalamat sa inyong pagsisikap."

Lalong lumakas ang palakpakan ng lahat. Napadako ang tingin sa akin ni Leon na nagawa pang kumindat. Natatawa na naiiling na lang ako.

"Bilang pasasalamat ko sa inyo, libre ang lunch natin ngayon at hindi lang 'yon, by the end of this month, expect a salary increase. Good job and keep up the good work!"

"Wow! Thank you Sir!" saad ni Iya.

"Ang bait talaga ni Sir Leon, salamat po!" segunda ni Sir Rolly.

Halos lahat ay tuwang-tuwa lumabas ng conference room. Si Leon ay sinenyasan akong dumiretso sa office niya. Nang maisara ko ang pinto ay mayabang niya akong tiningnan habang nakupo sa kanyang swivel chair.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Kapag kausap mo ang ibang tao, parang napaka-humble mo pero 'di nila alam na mahangin ka talaga. Ang plastic mo talaga, Leon!" natatawa kong saad bago umupo sa upuan sa harap niya.

"Grabe Laine, ang sakit mo talaga magsalita. Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?' Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa sinabi ko pero tawang-tawa naman.

"Eh paano ba naman, ikaw lang hindi nag-congrats sa akin," he smirked.

I rolled my eyes.

"Fine, congratulations sa pinakamagaling na businessman sa buong bayan ng Malvar. Oh, ayan, okay na ba?"

"Ay grabe, parang napipilitan." He smiled before he hold my hand on top of the table.

"Pero walang biro Elaine, I'm so happy and I owe it to you," he sincerely said.

Napatawa ako nang pagak. Na-awkwardan akong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "H-ha!? Bakit naman ako? Siyempre, that's because you've worked hard for it. You really deserve all the success of your business, Leon."

"No! No! You're wrong Elaine. It's because of you and Din-din, you both gave me an inspiration to strive harder to make this business successful."

Napangiti na lang ako sa kanya. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil baka abutin kami ng kinabukasan bago matapos. Pinag-usapan na lang namin ang terms and agreements ng bagong deal na nakuha ng company.

"Nga pala, Laine, nabasa mo na ba 'yong email invitation sa atin ng isang potential client sa Manila?" Bago pa ako sumagot ay inunahan na niya ako.

"Don't tell me, hindi ka sasama? Hindi pwede Laine... kailangan kita do'n."

"Nabasa ko naman Leon pero alam mo naman, 'di ba?" Seryoso niya akong tiningnan.

"Matagal na 'yon, Laine. Wala namang masamang mangyayari sa 'yo sa Manila hangga't kasama mo ako. Saka nakapangako na ako kay Din-Din na ipapasyal ko siya sa Manila."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko nagustuhan na pinangakuan niya si Din-Din nang gano'n nang hindi ko nalalaman. Ayoko namang paasahin niya ang anak ko.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon