Kabanata 2

18.2K 279 12
                                    

Kabanata 2

Dale's

Palagi na lang talagang inuubos ng babaeng 'yon ang pasensya ko! How dare she flirts here in my office? Tapos kanina inistorbo niya naman ako nung may kasama ako? Isn't she unfair!?

Hindi ko alam kung saan nakuha ni grandpa itong babaeng ito. Hindi manlang siya namili ng papantay naman sa itsura ko. Kung magkasama siguro kami nito ay mapagkakamalang tita ko itong kasama ko at hindi potential na asawa. Daig pa kasi ng matatanda kung manamit. Wala ba talaga siyang fashion sense? Tsk.

"Ano ba? Wala na bang ibibilis pa 'yang paglalalakad mo. Malelate na ako sa meeting, 'di ba?" sabi ko sa kanya.

Naipit kami ng traffic sa Edsa. 'Yung dapat na 30mins na byahe ay naging 1hr. Nauna pa sa aming dalawa ang Head of Finance and Operation ng Perdigon Properties na kasama namin sa meeting. Si Alex at Fred.

Napili naming mag-meet sa main office ng Kiyoka Corp. sa Quezon City. The initial plan is to held the meeting in our office last week but it was postponed due to the emergency business meeting of Mr. Kiyoka in Japan.

"Sino ba naman kasi ang may sabing isama mo ako. You know what, I don't get you. Nung sumasabay ako ng lakad sa 'yo kanina sabi mo sa likod ako dapat tapos ngayong nakasunod na ako sa 'yo, nagrereklamo ka ulit!" mataray niyang saad.

Hay. Saan ba kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ito sa pagsasagot-sagot sa 'kin.

"Ang sabi ko 'wag kang sumabay sa akin kasi baka mapagkamalang close tayo e 'di masisira ang image ko. Ano na lang iisipin ng mga tao sa 'kin—"

Hindi na ako pinatapos magsalita ng sekretarya ko. Dahil pagkatapos niya akong irapan ay binilisan na niya ang lakad papunta sa conference room ng company. Hindi manlang pinatapos ang sinasabi ko. Damn woman!

Nauna pa siyang pumasok sa loob bago ang boss niya! Is it ridiculous? Hay. I lost all my temper when I'm with her.

"Good morning Mr. Perdigon of Perdigon Properties!" Pagbati sa akin ni Mr. Santos, the EVP of Kiyoka Corporation.

Kinamayan ko ito at ang apat na Engineers na kasama namin sa meeting. Apparently, Mr. Kiyoka is still in Japan so we decided to held the meeting without him.

Tinanguhan ko rin Si Alex at Fred na mukhang kanina pa na-brief sa proposal ng ka-meeting namin ngayon.

Pagkatapos ng maiksing batian ay umupo na ako sa designated seat ko na katabi ng upuan ng secretary ko. Sinulyapan ko siya at nakitang kumuha siya ng notepad nang mag-present na ng proposal ang isa sa engineer sa harapan.

Napansin kong mataman lang na nakikinig si Iana. I can't believe this woman. Hindi manlang nag-sorry sa ginawa niya kanina. Siya lang! Siya lang talaga ang umuubos ng pasensya ko! The one and only.

Mahigit dalawang oras din akong nakinig sa proposal ng Kiyoka Corporation. Medyo natagalan kami sa usaping budget, hindi kami nagkasundo sa contract price. In the end, I told them that I will raise their concern with the board. I assure them that we are really interested to be their business partner. We agreed to set another meeting with Mr. Kiyoka to further discuss the terms and agreements.

Kiyoka Corporation is a construction company. The excutive committee decided to have more than the contractors that the company currently has. It was agreed by the majority board members in preparation to the future projects of the company.

One of the contractors is the Kawpeng Builders Corporation which was majority owned by Kawpeng, Greyson's family. They are currently in-charge in the construction of 3 condominium towers located in Taguig.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon