Kabanata 47
Dale's
"Sir, sigurado po bang magpapaiwan kayo dito?" marahang saad ni Pearl na mukhang tinatantiya ang mood ko.
Nakaupo ako sa couch nitong hotel na tutuluyan ko ng isang linggo o higit pa kung hindi ko pa makakausap si Iana. Hindi ako pwedeng bumalik ng Metro nang hindi kami nagkakausap. Parang ayoko ngang bumalik hangga't hindi ko siya kasama pero anong magagawa ko ngayong hindi niya ako makilala.
Bakas sa mukha niya pagpasok kanina na tila wala siyang ideya kung sino ako. Kung umakto siya ay parang ngayon niya lang ako nakita. Nakapanghalumbaba ako habang iniisip kung ano bang nangyari sa ilang taon na nawala siya. Naalala ko ang sinabi ni Fia. Hindi nga kaya naaksidente siya kaya hindi siya nakabalik? Kailangan pang mangalap nina Yul nang mas malalim na investigation sa likod ng katauhan ni Elaine Manahan.
"Sir?" Napakurap ako at napalingon sa sekretarya ko.
"I'm more than sure about this."
"Pero, Sir..." Tinaas ko ang kamay ko para putulin siya.
"Don't worry. The company will be okay even if I'm here." Halata sa mukha niya na nagulantang sa naging desisyon ko. Sana pala sinabi ko kaagad sa kanya para hindi siya gulat na gulat ngayon.
"You have a board meeting, Sir?"
"Then postponed and re-schedule it next month," I said in finality.
Wala akong pakialam kung ano pang meeting 'yan. Wala nang mas importante pa kay Iana. Matagal ko na siyang hinahanap. Hindi ko pwedeng palampasin ang oras ngayong natunton ko na kung nasaan siya matapos nang ilang taong paghahanap.
"Okay po, Sir. Sige, mauuna na po ako." Tumango ako kay Pearl at hinayaan siyang umalis.
Naghihintay na sa kanya ang company driver sa baba. Pinasundo ko siya ngayon para hindi naman siya mag-commute pauwi.
Nagpahinga ako sa suite at naghintay nang pagdating ng ni Yul. Tinawagan ko siya at pinapunta sa hotel na tinutuluyan ko. Kasalukuyan siyang narito at ang mga kasamahan niya sa bayan ng Malvar para sa investigation. Bandang hapon na nang makarating siya.
"Good day, Sir!" bati ni Yul pagkatapos kong pagbuksan ng pinto.
Nakasunod siya sa akin sa loob. Sinenyasan ko siyang umupo sa upuan sa harap ko. Mabilis naman itong sumunod.
"How's the investigation going? Any update?" diretso kong tanong dito.
"Sir, sa kasalukuyan wala kaming ibang makitang kahina-hinala sa ano mang impormasyon tungkol kay Elaine Manahan. Napag-alaman naming may record siya sa munisipyo at matagal ng rehistradong botante ng Malvar. Mahigpit ang opisina kaya hindi kami nakakuha ng iba pang detalye tungkol sa kanya."
Napakunot ang noo ko. Malinis ang record ni Elaine Manahan? Paanong mangyayari may taong magiging kamukhang-kamukha ni Iana at hindi siya 'yon. Imposible.
Tiningnan ko si Yul na seryoso lang din na nakatingin sa akin. Wala rin itong pinagbago, gaya noon ay hindi ito mababakasan ng emosyon.
"Maliban sa akin ay nakilala mo rin si Iana. Sa tingin mo ba si Elaine Manahan at si Iana ay... iisa?"
Mabilis siyang tumango siya.
Napangiti naman ako.
Hindi lang pala ako ang naniniwala doon. I trust Yul's instinct. Ang malamang iisa kami ng paniniwala ang lalong nagpabuhay sa akin.
"Sa palagay mo, bakit may nag-eexist na Elaine Manahan sa katauhan ni Iana? Paano natin maipaliliwanag 'yon?"
"Hindi ako sigurado, Sir, pero may kutob akong may malaking tao ang nasa likod nito. Wala kaming makuha impormasyon tungkol kay Elaine Manahan kung sino ang magulang nito at kung saan ito nagmula. May nakausap kaming isang tubong Malvar na sinabing sumulpot na lang daw ito sa mga Angeles mag-aanim na taon na ang nakalipas kaya malakas ang hinala kong siya si Ms. Iana."
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...