Kabanata 9

13.9K 201 5
                                    

Kabanata 9

Iana's

"Franco Steveson, Ma'am. 'Yon po ang tunay na pangalan ng taong pinapahanap niyo. Kaya pala natagalan ang paghahanap natin ay iba po pala ang pangalan na ginagamit niya."

Natigilan ako sa narinig bago pinatay ang tawag mula sa private investigator ko.

Franco Steveson? That's his true name. I laughed not because I'm happy but because I realized na 'yong taong minahal ko for three long years ay hindi pala totoo. Hindi naman pala nag-eexist dito sa mundo. Niloko niya ako at nagpaloko ako sa kanya. It takes two to tango. I admit na may kasalanan din naman ako, ibinigay ko ang buong pagtitiwala ko sa kanya.

At sa dinami-dami ng pagkakataon na pinapahanap ko siya at hindi ko makita, ngayon naman na ayaw ko na siyang makita pa ay pinag-aadya yata ng tadhana na magkita kami. Napangiti ako ng mapait. Totoo pala talaga 'yon, 'no. Kapag hindi mo hinahanap at saka nagpapakita.

Sa kamalasan-malasang pagkakataon ay isa siya sa client namin para bukas. At 'yong magandang babae sa comfort room na nakita ko last time sa bar ay ang CEO ng Davillion Company. I didn't know na mahilig pala si Frank or should I say Franco Steveson sa mga CEO ng Company. Inakala niya siguro na ako ang magmamana ng Pizarro Group of Companies. Huh! Hindi ba siya nag-iisip? Paanong magiging tagapagmana ang isang illegitimate child.

"Ano bang problema mo? Huh! Pinahiya mo ang company sa harap ng client natin," sabi sa akin ni Dale nang papasok na kami sa kotse pagkatapos ng meeting.

Wala naman ni kaonting guilt akong maramdaman. Sa isip-isip ko pa ay wala pa 'yan sa kalingkingan nang ginawang panloloko sa 'kin ni Franco Steveson. Hindi ko na pinansin ang kung ano mang sasabihin ni Dale Perdigon. Sa totoo lang ay nawalan talaga ako nang gana ngayong araw. Wala ako sa mood. Mabuti naman ay hindi na rin nang-usisa pa si Dale Perdigon dahil kahit magsalita siya ay wala akong sasabihin.

Hinatid niya ako sa mansyon. Naabutan ko doon ang grandma ni Dale. Si Lola Olivia.

"Hello po grandma, nakarating na po pala kayo. Kasama niyo po si Don Arturo?"

Niyakap niya ako. "Yes, hija. Nasa library siya ngayon."

Inakay ako ni Lola Olivia sa sofa kaya sumunod naman ako. Ilang sandali siyang tahimik at pinagmamasdan lang ako niya ako. Alam kong may kahulugan ang mga tingin niya.

"Bakit po grandma? May problema po ba?" Ako na ang nagbukas ng usapan. Alam ko naman na may gusto talaga siyang sabihin sa akin.

Huminga si grandma nang malalim bago sumagot. "Alam na namin ng grandpa mo na nagpapakuha ka na ng ticket pabalik ng Singapore. Sinabi na sa amin ni Irene, ang mommy mo."

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan. Alam kong malalaman nila ang pag-alis ko pero hindi pa ngayon. Wala pa nga akong ticket, e. Bigla tuloy akong naguilty, maganda ang pakikitungo sa akin ng Lolo at Lola ni Dale simula nang tumuntong ako sa mansion. Wala akong masasabi doon kaya nahihiya ako na kay mommy pa nila nalaman ang balak kong pag-alis. Dapat pinagtapat ko na kaagad sa kanila.

"Pasensya na po kayo grandma, balak ko naman pong sabihin, e kaya lang nahihiya po ako dahil mabait po kayo sa akin." Malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Wala na bang makapagbabago ng isip mo hija? Alam na namin na pagiging secretary ang ibinigay na trabaho sa 'yo ng apo ko kaya ako na mismo ang humihingi ng dispensa doon. Sana mapatawad mo ang apo ko at bigyan siya ng isa pang pagkakataon para patunayan ang sarili niya." Hinawakan ni grandma ang kamay ko.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon