Kabanata 15
Iana's
Kanina pa pumasok si Dale Perdigon sa opisina niya kasama 'yong babaeng naghihintay na raw sa loob gaya nang sinabi ni Ms. Bubbles. Kanina pa sila doon at hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon. God knows what kung anong ginagawa nila sa loob. I know that it's no longer my business so, dapat wala akong pakialam pero hindi ko mapigilang mainis.
Hindi nakalimutang ipaalala ni Dale kanina bago pumasok na huling araw niya raw sa opisina ngayon. Sasabihin ko sanang hindi ko tinatanong pero naunahan niya ako. Since hindi raw siya magrereport sa office for the next days, hindi rin daw ako magrereport.
"Kung wala ako, wala ka rin. Understood?" wika niya pa kanina.
Hindi ko na sinagot at tumango lang. Mukhang masaya siya ngayong araw, lalong sumaya nang may naabutang babae sa opisina. Tss.
Nag-reply ako sa ilang pending emails ko. Nag-notes rin ako ng mga urgent matters para ibigay sa secretary ng EVP na hahalili kay Dale habang wala ito.
Matatanda na ang ilang officials dito at ilang dekada na ring nagtatrabaho sa kompanya. Kahit mag-resign pa si Dale e, kaya pa ring tumayo ng company kahit wala siya. Although, hindi ko kayang hindi siya bigyan ng credit sa success ng company, maganda pa rin kasi na may fresh mind na nagba-balance ng decision sa business. Mahirap naman kung sobrang paulit-ulit o traditional na lang ang laging nasusunod. Magandang kahit papaano ay nagkakaroon din ng changes o modern touch ang lahat para hindi naman mapag-iwanan ng panahon.
Nag-follow up din ako sa HR regarding the office order na nagdedesignate kay EVP Santos bilang OIC habang naka-leave si Dale. Sinend rin naman nila kaagad. Nag-file rin ako ng leave through HR System, inavail ko ang 5 days forced leave. Hindi naman siguro lalagpas doon ang pag-aabsent ni Dale. If lalagpas doon, then sa VL credits na mababawas 'yong absences ko.
Nag-file rin ako ng half-day sa araw na 'to. Si Grace kasi e, pinsan ko gusto makipagkita sa 'kin. Wala na rin pati akong trabaho na urgent, may mga naiwan akong kailangan i-confirm pero pwede pa naman 'yon kahit next month pa. Hindi rin kasi ako makakapagtrabaho knowing na pader lang ang pagitan ng office ko at office ni Dale. Lumilipad ang utak ko sa kung anong ginagawa nila sa loob sa mga oras na 'to. Nakakapangilabot lang.
Nakababa na ako ng building nang mag-text ako sa kanya na half-day ako ngayon. Nagreply siya kung saan ako pupunta pero 'di ko na sinagot. Bahala siyang mabaliw kakaisip kung sinong kasama ko. At least, nagpaalam ako ngayon.
Nag-book agad ako ng grab papuntang Ortigas. Natuto na ako sa pagkakamali ko nung nakaraan, fully charged ang phone ko at nasa bag ko rin ang powerbank.
"Iana! I miss you!" mainit na salubong ni Grace nang makalapit ako sa table niya.
May kamag-anak naman dito sa Pilipinas si Mama, minsan na nga lang kaming nagkakausap. Si Grace ang isa sa pinakaclose kong pinsan.
Hinalikan ko siya at niyakap. "Hi Grace! I miss you, too." Kinawayan ko naman ang baby niya na nasa lap niya.
Pagkatapos ay umupo na ako sa upuan sa tapat niya. Si baby naman ay namimilog ang mga mata at curious na nakatingin sa 'kin. Ang cute cute ng anak ni Grace. Ang sarap kurutin!
"Hi baby Ara!" she giggled.
She's so adorable.
"Say hello to Tita Iana, baby." Hinawakan ni Grace ang kamay ni baby at kinaway sa 'kin.
"Sobrang cute niya, Grace. Parang ang sarap kurutin." Nanggigigil kong saad.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...