Kabanata 63

8.5K 144 12
                                    

Kabanata 63

Iana's

"Hindi ba talaga natin pwedeng isama si Din-Din?" tanong ko kay Dale habang nag-iimpake ng mga damit.

Bukas ang alis namin para sa huling assignment na sinasabi niya. Ito ang meeting sa isang potential investor na si Mr. Go, kilalang business tycoon sa Cebu.

Nakatayo siya sa may hamba ng pinto habang hawak ang kanyang cellphone. Ewan ko kung nakikinig ba sa sinasabi ko o nagsasayang na naman ako ng laway ngayon. Tutok na tutok ang atensyon niya sa pagba-browse sa phone.

"Dale!" May kalakasan kong tawag para makuha ang atensyon niya.

Saka lang siya tumunghay sa akin.

"Hmm... any problem?"

Umirap ako. "Hindi ka na naman nakikinig. Tinatanong kita kung hindi ba pwedeng isama natin si Din-Din. Kung 3 days and 2 nights naman tayo doon. Saka sa unang araw lang naman ang meeting 'di ba? Hindi ba dapat 1 night lang tayo?"

Umiling naman ito bago itinaas ang hawak na phone. "I already booked a hotel for us. Next time na lang natin isama si Din-Din kapag magbabakasyon tayo." Nagkibit siya ng balikat bago dumiretso sa ginagawa ko para tumulong.

Kinabukasan ay maaga nga kaming bumangon. Nakapag-ayos na ako alas singko palang ng umaga. Naka-smart casual attire na ako since didiretso na kami sa resto kung saan gaganapin ang meeting pagkalapag sa Cebu. Suot ko ang dark blue pants na tinernuhan ko ng white blouse at flat shoes.

Isang maliit na luggage lang ang dala namin. Nag-pack rin ako ng ilang damit ni Din-Din at laruan na dadalhin niya sa mansion nina grandma. Kahapon lang talaga namin pinlano ang lahat. Ito naman kasing si Dale, hindi manlang sinabi ng maaga ang tungkol sa business trip. Mabuti na lang mabilis kausap sina grandma at ayos lang naman kay Din-Din na magpaiwan.

"Are you ready?" tanong ni Dale.

Kakatapos ko lang maghugas ng plato na ginamit namin sa breakfast. Ngayon ay nagliligpit nang ilang gamit sa kusina. Tulog pa rin si Din-Din hanggang ngayon.

"Yes, Dale. Gisingin mo na lang si Din-Din baka ma-late tayo sa flight natin." Ngumiti lang siya at walang salitang sumunod sa akin.

Pinasadahan ko pang muli ang bahay kung may nakalimutan pa ba akong i-check na mga plugs. Pati ang mga bintana ay 'di ko nalimutang i-double check kung ayos ba ang lock.

Minuto lang ang nakalipas nang marinig ko ang yabag sa hagdanan. Suot ang simpleng white longsleeves na tinupi hanggang siko at dark jeans, bumaba si Dale habang buhat-buhat ang anak namin. Nagusot ang suot niyang pang-itaas sa pagkakahawak sa anak.

Sumenyas pa nga ito na hindi na niya ginising pa si Din-Din. Maliit akong tumango bago kinuha ang gamit namin. Idadaan namin siya kina grandma bago tumulak ng airport.

Mabuti nga at hindi naman kami nahirapang kumbinsihin si Din-Din na kina grandma muna siya siya mag-stay habang may business meeting kami sa Cebu. Sa maiksing panahon ay nakuha ng dalawang matanda ang loob ng bata. Tuwang-tuwa naman ang mga ito na sa kanila muna ang apo nang tinawagan ko ito kagabi.

"Ingat kayong dalawa, ah. Dale, hijo. Take care of Iana and don't forget to text us when you arrived," paalala pa ni grandma.

Nakangiti naman kaming tumango sa matatanda. Sina Ate Sally at Ate Lina ay nasa may gate din at malawak ang ngiti sa amin ni Dale. Nagbatian kami kanina at mukhang base sa ngiti nila ay maraming gustong sabihin. Nangako naman ako na pagbalik namin ay mas matagal kaming magkakausap. Ibinilin ko rin sa kanila ang ilang bagay tungkol kay Din-Din. Baka 'di kasi kayanin ng matatanda ang kakulitan ng anak. Mas okay nang nakaalalay sila Ate Sally at Lina.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon