Kabanata 52
Dale's
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako saglit at hindi ito nakayanan kaya nahiga akong muli at mabilis na pumikit.
"Mommy, Tito Dale is sleeping!" Narinig ko ang maliit na boses ni Din-Din.
Ngayon lang bumalik sa isipan ko ang nangyari kahapon. Mag-a-alasais na nang bumalik ako galing sa tinutuluyan ni Yul at ng kanyang dalawang kasama. Ako na ang pumunta sa kanila para malaman ang latest findings sa ginagawa nilang imbestigasyon kaya hapon na rin ako nakauwi.
Magpa-park na sana ako na hindi ko na itinuloy nang masaksihan ang eksena ni Iana at Leon Angeles. Parang naubusan ako ng lakas nang makita kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Parang ilang beses akong sinampal na wala na akong babalikan dahil masaya na siya sa buhay niya ngayon. Pinili kong dumiretso sa isang bar para magpalamig at kahit paano ay makalimot sa nangyari.
Isang buwan halos akong nawala para ayusin ang problema sa kompanya. May nagtangkang mang-hack sa system na siyang nakapagdulot ng kaunting takot sa ilang opisyal dahil sa ilang confidential files na na-hack. Mabuti na lang at competent ang mga IT experts ko na nagawa naman itong ma-control at maibalik sa dati. Alam kong hindi ito nagkataon lang kaya pinaimbestigahan ko pa ito. Ayon sa investigation, sinadya nga ang lahat at ang lumabas na mastermind ay isa sa board of directors ng kompanya. Nagsasagawa pa ng mas malalim na investigation ukol dito para makakuha ng mas malakas na ebidensiya para makapagsampa ng kaso.
Nang makakuha ng libreng oras ay bumalik agad ako dito sa Malvar. Doon ako nagkaroon ng chance na makakuha ng DNA sample ni Din-Din. Ilang linggo lang ay nakuha ko na agad ang resulta at hindi nga ako nagkamali... anak ko si Din-Din. Dugo't laman ko siya. Ako ang kanyang ama. Hindi ko halos maipaliwanag ang naramdaman ko noong oras na mahawakan ko ang result. Gustong-gusto kong liparin ang Malvar mula sa Metro para mayakap ang anak ko at magpakilalang ako ang tunay niyang ama.
Hindi ito ang nangyari nang kausapin ako ni Yul. Aniya ay hindi magandang magpadalos-dalos ako. Pinayuhan niya akong kunin muna ang loob ng bata. Dahan-dahanin ko ang pakikipaglapit sa kanila at 'yon nga ang ginagawa ko. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ko mapipigilan itong damdamin ko. Sa bawat oras na nakikita ko sila ay gustong-gusto ko silang mahagkan. Gusto ko na silang iuwi ng Metro para magkasama na kami at hindi na kami magkahiwalay kahit kailan. Nanghihina lang ako sa tuwing tinatanggihan ako ni Iana. Nalulungkot lang ako sa tuwing tinatawag ni Din-Din na daddy si Leon Angeles. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ko sila maibabalik sa akin.
"Shhh... quiet, anak, baka magising mo siya. Halika na, mag-breakfast na muna tayo," sagot ni Iana hanggang marinig ko na lang ang yabag nila palayo sa akin.
Sinubukan kong muling bumangon at hindi naman na gaanong masakit. Hinilot ko na lang sentido ko bago tuluyang tumayo. Nakatulog pala ako sa sofa nina Iana. Medyo blur ang naaalala ko sa nangyari kagabi. Ang alam ko lang ay kumatok ako sa pinto niya para ipagtapat ang lahat. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa alak. I doubt kung nagawa ko nga ba 'yon. I can't remember clearly.
Inayos ko ang sarili ko bago tumungo sa kusina kung saan ko na naririnig ang boses ng baby ko. "Mommy, gisingin po kaya natin si Tito Dale?"
Napangiti ako sa narinig ko sa kanya.
Sa maiksing panahon ay kahit papaano ay napalapit ako sa anak ko. Sa una ay tahimik ito pero sa katagalan ay may angking daldal talaga. Madalas niyang i-kwento sa akin ang ginagawa niya sa school. Naki-kwento niya rin kung gaano niya kamahal ang mommy at daddy niya. Hindi ko maitatanggi na close na close talaga si Din-Din kay Leon Angeles at inggit na inggit ako dito. Kung sana lang natunton ko kaagad si Iana ay hindi lalaki si Din-Din na wala ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...