Kabanata 25

9.7K 131 3
                                    

Kabanata 25

Dale's

Hinanap ng mata ko si Iana. Nakita ko siya na nakaupo sa may veranda. Napapansin kong favorite na niya itong puntahan kapag nagbabasa siya ng libro. Dala ko ang hinanda kong snacks para sa kanya.

"Snacks?" Inilapag ko ang juice at sandwich.

Sinulyapan niya ang snacks na dala ko bago umiwas ng tingin. I smiled sadly.

Simula nang umamin ako nang nararamdaman ko. Nagbago na siya. Hindi na siya madalas makatingin sa 'kin at palagi na lang lumalayo kapag malapit ako.

Namimiss ko na ang pagtataray niya sa 'kin. Ang pagsagot-sagot niya sa bawat sinasabi ko. Ang pag-irap o pag-ikot ng mata niya kapag bumabanat ako.

"Thanks." Naka-focus pa rin siya sa binabasa niyang book. I tried to have a conversation with her.

"Mitch Albom is a great author. His book 'Tuesdays with Morrie' was my favorite," I shared while looking at the book she's reading.

Akala ko makakuha ako ng sagot sa kanya pero parang kumakausap lang ako ng hangin. Sinarado niya ang libro at binalingan ang snacks na dala ko.

"Sir, nasa linya po si Don Arturo." Tinawag ako ni Ate Lina mula sa loob. Nagpaalam ako kay Iana at tango lang ang nakuha ko dito. Nice talking!

Sinagot ko ang tawag mula kay grandpa.

"Yes, grandpa?"

[Dale, hijo, how are you?]

Kumunot ang noo ko. Naalala ko ang pinangako ko sa kanya na aayusin na ang kasal kay Iana.

"I'm good, grandpa. I'm still convincing Iana on the date of the wedding. How about you? Kailan kayo uuwi?"

Natahimik si grandpa sa kabilang linya kaya inakala kong naputol ito.

"Grandpa, are you still there?"

Narinig ko ang tikhim nito.

[Yes, yes... Expect us to come back on the last week of this month. Another thing, I want you to report to the office tomorrow. I'm giving back your position.]

"Are you serious, grandpa? If that's what you want then good. Don't worry about Iana, I know I can convince her before you come back."

[Focus on the company, Dale. Don't think about other things right now. That's not your priority.]

Binaba ko na ang tawag. Nagtaka ako sa napakaseryosong tono ni grandpa. Nagulat rin ako sa biglaan niyang pagbabalik ng posisyon ko. Updated naman ako sa nangyayari sa kompanya kahit wala ako sa office kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagwo-worry ni grandpa. Well, it's good though that we will be back in the office. For sure, may dahilan na ako para pansinin ni Iana.

Binalikan ko siya sa may veranda pero libro na lang ang naabutan ko at ang bawas na snacks na dinala ko. Magtatanong pa sana ako sa mga kasambahay nang makarinig ako ng pagtatalo sa labas ng gate.

"Stop this Frank! Ayoko na sabi, e!"

Nagmadali ako nang sigaw ni Iana ang narinig ko. Naabutan ko siyang hinahawakan sa palapulsuhan ni Franco Steveson.

"Ano pa bang gusto mo, ha?! Tigilan mo na ako, Frank!" Tumili si Iana nang sinugod ko si Franco at malakas na sinuntok.

Napahiga siya sa sahig.

"What do you think you are doing?!"

Lumabas pa rin ang mga bodyguards ko sa pinagtataguan nila.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon