Kabanata 21
Iana's
Ngayon alam niya ang feeling kapag tinatrato kang parang hangin. Akala ata ni Dale Perdigon, siya lang ang marunong ng larong sinimulan niya.
Pagkatapos nang nasaksihan ko nung gabing 'yon. Inaasahan niya talagang magiging okay kami? Tsk. Nangingilabot pa rin ako kapag naaalala ko ang eksenang 'yon.
Naging matagumpay naman ako sa planong pag-iwas sa kanya. Hindi kami masyadong lumalabas ni baby unless kakain. Kanina ngang breakfast, ang kinain ko lang ay ang cereal cookies na dinala ko sa kwarto ko kagabi. Lunch na kami bumaba.
Pagkatapos ng lunch, tumulong lang ako ng saglit kina Ate Lina at Sally sa may veranda. Nag-aayos sila ng vase. Kinuha ko rin naman si baby kay Dale at umakyat na kami sa kwarto. Isang oras lang halos ang tulog niya matapos makainom ng gatas. Habang tulog siya, nakipag-face time ako kay Grace at Jerome. Mahigit kalahating oras din kaming nag-usap. Nagkwento lang sila nang mga napuntahan nila sa Japan.
Nakatanggap din ako ngayon ng message kay Knight, asking if free ako ngayon. Sa halip na replyan, tinawagan ko na lang siya.
"Hello, Knight?"
[Yes, Iana? Na-received mo ba 'yong message ko?]
"Ah, oo. Wala ka bang pasok? Anong meron?" Hindi ko mapigilang hindi itanong. Alam ko kasing nasa office siya ngayon.
[Nag-file ako ng leave today but things happened. Hindi natuloy 'yung lakad ko. Are you free? Sinabi ni George na naka-FL ka raw.]
Kinurot ko si Georgie sa isip ko. Ang bakla talaga na 'yon, mukhang ginamit pa ako para makausap lang si Knight.
"Ahhh... wala naman akong gagawin. Sige magkita tayo. May sasabihin din pala ako sa 'yo."
[Good. Sige, let's go to the mall? Ayos lang ba?]
Tumango ako kay Knight kahit hindi naman niya nakikita.
"Oo naman. May kasama pala akong baby, okay lang? Remember, 'yong baby na dinala ko sa resort nung weekend?"
[Of course, no problem. Susunduin ko kayo at ihahatid ko rin after kaya no need to bring car.]
Tinapos ko na ang tawag kay Knight. Mabilis din akong nagpalit ng damit. Mabuti na lang at naligo na kami ni baby kaninang umaga.
Suot ko ang tight jeans at simpleng brown shirt. May suot kasi akong baby carrier kaya hindi naman makikita 'yong damit ko. Nag-rubber shoes lang rin ako since kasama ko si baby. Tinali ko ang buhok ko dahil mahilig manghila ng buhok si baby Ara. Natawa tuloy ako nang maaalala ko ang pangungulit ni Ara kanina kay Dale.
Nag-apply din ako ng light make up. Pinalitan ko na rin ng damit si baby bago kami bumaba. Sa living room na kami nag-antay.
"Aalis po kayo, Ma'am?" tanong ni Ate Lina. Nag-aayos siya ng mga magazines sa ilalim ng center table.
"Yes po. Mall lang Ate kasama ng officemate ko. Si Dale po ba bumaba na?"
Biglang naging attentive si baby nang mabanggit ang dada niya.
"Hindi pa po, Ma'am." Iniwan din naman kaagad kami ni Ate dahil tinawag siya sa kusina ni Manang.
Namimilog ang tingin sa 'kin ni baby Ara.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...