Kabanata 10
Dale's
Pagkatapos kong tumigil sa kwarto ni Iana ay pinagpasyahan kong bumaba. Nasa kalahati na ako ng baitang ng hagdan nang may nakita akong babae na nakaupo sa sofa. Nanliit ang mata ko at inisip kung sino nga ba ito? Doon ko na lang napagtanto na nag-iisa lang naman ang babae dito na hindi pa katandaan. It's Iana. My secretary.
Oh, bakit ganyan ang itsura niya ngayon. What happened to the old-fashioned clothes? Nakasuot siya ng red m dress ngayon na hindi conservative. Not her usual type. Saan naman kaya siya galing? Wala sa sariling pinuntahan ko siya. I remember what my grandpa said, I need to stop her from leaving or else I will be permanently removed from my post.
"Saan ka galing?" tanong ko bago umupo sa tabi niya. Since hindi naman kami close, I keep distance from her.
Tiningnan niya ako at tinaasan lang ng kilay.
"Himala ata na may pakialam ka na sa akin ngayon."
Tingnan mo 'tong babaeng ito. Ang ayos-ayos naman ng tanong ko tapos babarahin lang ako. Kaya hindi kami nagkakaroon ng maayos na usapan, e. Sobrang sarcastic niyang kausap.
"Bawal ba maging curious? Naninibago lang ako sa ayos mo. Nag-effort ka talaga ngayon, ah. Akala mo naman gumanda ka na sa ayos mo na 'yan," pang-aasar ko.
Ang totoo, malaki talaga ang pinagbago ng itsura ni Iana ngayong nag-ayos siya. Kung hindi ko lang talaga siya madalas nakakasama at bigla siyang nagtransform sa ganito, siguradong hindi ko siya makikilala kaagad. Hindi ko tuloy mapigilang hindi isipan na baka nagpapanggap lang siya sa likod ng mga damit niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit sa 'yo ba ako nagpapaganda? Feeler mo naman..."
Kumunot ang noo ko. So totoo nga, ganyan ang itsura niya kasi may nagugustuhan na siya? Tama ba ang iniisip ko. So, nagawa niyang baguhin ang sarili niya para sa ibang tao, specifically para sa isang lalaki? I can't believe this woman. Bakit hindi niya kaya gawin 'yan para sa sarili niya? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "So, I heard na balak mo na raw umalis. Are you tired being my secretary? Suko ka na," I said the last words as a statement.
Hindi naman na siya nagulat sa sinabi ko. Totoo nga ang sinabi ni grandpa. Desidido na pala talaga siyang umalis... nang wala manlang pasabi sa akin. Ganun ba niya ka ayaw sa akin na hindi manlang niya nabanggit kahit isang beses.
"Don't be so full of yourself. It's not you, okay? Sabihin na lang natin na nawalan na ako ng dahilan para manatili pa. Alam mo hindi ko naman talaga gustong magpakasal sa 'yo. Kaya lang ako pumayag sa arrangement na 'to, e dahil ito lang ang paraan para makauwi ako sa Pilipinas. I don't have any choice..." Nagpanghalumbaba siya at tumingin sa kawalan.
Reason? Ano naman kaya 'yung sinasabi niyang reason kaya siya umuwi ng Pilipinas? Is it because of the guy she met last time? Nagbreak na ba sila kaya siya uuwi ng Singapore.
Pero hindi pwede... hindi siya pwedeng umalis baka tuluyan na akong alisin ni grandpa sa company. I won't let that happen. Hindi pwedeng mawala sa 'kin ang kompanyang inalayan ko ng dugo at pawis. Mahirap ang pinagdaanan ko bago ako nakarating sa posisyon ko ngayon. Hindi pwedeng basta-basta na lang itong mawawala sa mga kamay ko. I need to do everything I could to stop her from leaving.
"Bakit hindi na lang natin i-work out ang relationship natin?" Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko.
Katahimikan ang bumalot matapos kong sabihin 'yon. Kalaunan ang gulat na expression ni Iana ay nauwi sa malakas na tawa.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...