Kabanata 11

13.5K 196 7
                                    

Kabanata 11

Iana's

Hindi ko alam kung anong nakain nitong si Dale Perdigon at pinag-aaksayahan niya ako ng panahon. Bakit? Hindi pa ba siya tapos sa issue ng pag-alis ko? I sighed. Takot na takot talaga siyang tuluyang matanggal sa posisyon niya.

"Wow! Bagong empleyado ba siya dito?"

"Ngayon ko lang siya nakita, e."

"Baka nga bagong hire, infairness para siyang model."

"I love her outfit!"

Kung ano-anong papuri ang narinig ko nung papasok pa lang ako sa building ng opisina. Nauna akong maglakad kay Dale Perdigon. Hindi ko naman pinapansin ang kung ano mang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. I remained pokerface na diretso lang ang tingin sa harap.

Papasok na sana ako ng elevator nang hinawakan ni Dale Perdigon ang baywang ko para mapigilan ako. Noong makita ko ang mukha niya ay seryoso naman ito at walang halong pagbibiro. Nagtataka nga ako kung bakit parang ang clingy na niya ngayon. Kailan pa siyang natutong hawakan ako kung kailan niya man gustuhin? Wala naman akong amnesia at alam kong hindi naman kami in good terms at ganito ka-close sa isa't isa before.

Huwag niyang sabihing hindi pa rin siya nakamove-on sa usapan namin kagabi. Baka ito na 'yong mga gawain niya sa mga babae niya. Hindi ba talaga kami nagkaintindihan. Sinabi ko na ngang ayokong mapabilang sa collection niya ng babae, e.

"Sa susunod huwag mo akong hahawakan lalo pa't maraming tumitingin. Baka pagchismisan na naman tayo sa office. Ayoko namang masira ang reputasyon ko kapag napabilang ako sa babaeng nilalandi mo." Hindi ko napigilang hindi sabihin.

Feeling ko sinusubukan niya talaga ako, e. Hindi na ako aalis, 'yon naman ang gusto niya. Wala na akong planong umalis sa ngayon pero hindi ako nangangakong hindi talaga aalis.

Hindi ko naman na siya pinansin pagkatapos. Tumuntong na ng 27th floor. Nauna akong lumabas bago dumiresto sa table ko. Nakasunod naman siya sa akin.

Habang naglalapag ng gamit ay hindi ko maiwasang tingnan ang pigura ni Dale Perdigon na tumigil sa harapan ko. Tiningnan ko siya at nag-antay ng kanyang sasabihin. Alangan namang tumatambay lang siya sa harap ko.

"I want to ask if you still want to be my secretary or you want to be transferred to other department."

Tumaas ang kilay ko. Ngayon niya lang talaga naisip na bigyan ako ng ibang position dito sa company. Dapat pala sinabi ko na agad kay grandpa na pagiging secretary ang binigay na position ni Dale sa akin noong una palang. Napaaga siguro ang paglipat ko.

"No, thanks," sagot ko.

Naisip ko kasi na aalis din naman ako, hindi pa lang nga sa ngayon. Sanay na rin kasi ako sa trabaho ko. Kung lilipat ako, panibagong training na naman. Medyo marami rin ang chismosa na mga employee dito sa company. Mas okay nang mag-isa ako dito sa table ko.

"Okay! Good," masaya niyang sagot bago pumasok sa office niya.

Ang bilis naman ata niyang kausap ngayon. Hindi manlang niya ako pinilit. Sabi ko na nga ba, nagpapanggap lang siyang maging mabait sa akin.

"Oh my gosh! Girl! Ikaw ba talaga 'yan? What happened to your manang clothes?" bungad ni Georgie.

I rolled my eyes. "Alam mo ang OA mo!"

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon