Kabanata 40

9.5K 120 45
                                    

Kabanata 40

Dale's

"Good day Sir! I'm Pearl Angeli Dimayuga, you can call me Pearl, 21 years old. I graduated with a degree in Business Administration major in Management. I'm Latin Honor, also awarded as best in leadership, best in thesis, best in--" I cut her off.

Napatakip naman siya ng bibig at malawak na ngumiti sa akin. Napahilot na lang ako ng sentido. Sigurado ba si Bubbles na last na itong applicant na ito? Wala na ba talaga siyang makukuhang iba?

"Excuse me, I just asked your name. Don't give me any other information unless I ask you," I said strictly.

Tumango siya.

"Why did you apply for this job? But first, do you know what position you're applying for?"

Pinagmamasdan ko siyang mabuti at halatang kinakabahan siya. Sa kabila noon ay hindi naman maitago na jolly ang kanyang personality. She's also too confident.

Tiningnan ko ang resume niya at marami nga siyang seminar at activities na sinalihan. She's a consistent deans lister. She's also an officer in organizations and has joined volunteer works. I can say that she is an active student.

"Yes Sir, I will be your secretary so that means, I will organize your daily schedules; I will take down notes in conference meetings; I can also do personal errands, Sir, such as but not limited to making coffee--"

For the second time, pinutol ko na naman ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung matatagalan ko ang ingay nito. Ngayon pa nga lang ay sumasakit na ang tainga ko sa tinis ng boses niya. Paano pa kaya kung araw-araw ko siyang makakasama.

"Did I ask for your job description?" Umiling siya sa tanong ko. Ibinaba ko na ang resume niya at sinulatan. Nanlaki ang mata niya at inakala niya atang hindi ko siya ipinasa sa interview.

"That's enough, you may leave..." I simply said.

Agad na nagtubig ang mata niya. Ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Lumapit siya sa table ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry po, Sir, sa totoo lang po kasi kinakabahan po talaga ako. First interview ko po kasi ito. Sinabihan din po kasi ako ni Ms. Bubbles na masungit ka raw po at perfectionist. Tapos sabi rin po niya na pang-limang applicant na ako ngayong linggo dahil wala ka raw magustuhan. Pati 'yong nakasabayan ko si elevator sabi po nakakatakot daw po kayo. Pasensiya na Sir! Huwag niyo po akong ibabagsak."

Binawi ko ang kamay ko at hindi ko namalayang hindi mapangiti. She's too honest. Hindi ko aasahang maririnig ko ito sa isang bagong aplikante gayong lahat ng empleyado dito ay takot punain ang ugali ko. Well, she's young and new. I don't have high expectations from her.

"Sir, please po pangarap ko talagang magtrabaho sa kompanya niyo. Hindi po kayo magsisisi kung iha-hire niyo ako. Masipag po ako at hindi nali-late. Sige na Sir, huwag niyo po akong ibabagsak."

"Sinabi ko ba na bagsak ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pero wala naman po kayong sinabi na hired na ako," inosente niyang saad habang nagpupunas ng mukha.

"Okay, you're hired Ms. Dimayuga. For the mean time, you will be my secretary."

Kumunot ang noo niya. "Po, Sir? Bakit po 'for the mean time' lang? E 'di ba po dito sa Pilipinas may batas na bawal ang contractual. Kailangan niyo po akong gawing regular kapag umabot po ako ng 6 months."

Imbes na mairita dahil sa sagot niya ay napangiti na lang ako. May naalala kasi akong isang babae na hind rin nauubusan ng sasabihin kapag kausap ko. Madalas din talaga no'n ubusin ang pasensiya pero at the end of the day, hinahanap-hanap ko naman. The only woman who can make me mad and happy at the same time.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon