Kabanata 60

10K 128 17
                                    

Kabanata 60

Iana's

"So you mean, nag-propose sa 'yo si Dale at tinanggihan mo?" Nanlalaki ang mata ni Grace sa sinabi ko.

Tumango ako sa kanya. "What do you expect from me, Grace? Na mag-yeyes ako sa kanya nang ganun-ganon lang?"

Umayos siya nang upo niya at bahagyang inilapit pa sa akin ang kanyang upuan. Nandito kami sa isang cafe ngayon. Natuloy na ang balak naming pagdi-date. Na-meet ko na ulit ang inaanak kong si Ara na malaki na ngayon. Kanina nga'y nagpaalam ito na pupunta sa library corner nitong cafe. Parang dati lang dede bottle pa ang hawak niya, ngayon ay mga libro na. Mahilig daw ito magbasa ayon kay Grace.

"Hindi naman sa ganun, cousin. Nagulat ako hindi lang sa pagtanggi mo kundi pati na rin sa pag-propose sa 'yo ni Dale. Try niyo kaya mag-usap as in talk about your past and issues para naman magkaintindihan kayo kahit para sa anak niyo na lang."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Ewan ko, Grace, maybe one of these days. Sana magkapag-usap na kami."

"Kung mag-uusap kayo, ready ka na bang sabihin ang side mo kay Dale? At ready ka na rin bang marinig ang side niya?" dagdag niya pa.

Nagkatinginan kami at sabay na na nag-toast ng inorder naming coffee.

"Hindi ko alam. Bahala na siguro," sagot ko.

Pagkatapos ng date namin ni Grace ay dumiretso na rin ako ng uwi sa penthouse ni Dale. Busy silang dalawa sa paglalaro ng board games nang iwan ko sila. Balak ko sanang isama si Din-Din para ma-meet si Grace at ang pinsan niyang si Ara. Kaya lang mukhang nag-eenjoy siyang kasama ang ama niya kaya hinayaan ko na lang. Marami pa namang pagkakataon saka nangako akong bibisita sa bahay nila sa Nueva Ecija kapag walang trabaho.

Ang inaasahan ko na kung paano ko sila iniwan ay ganun din ang madadatnan ko sa aking pagbalik ay hindi nangyari. Pagbukas ko ng pinto ay halakhakan na ang narinig ko mula sa sala. May bisita si Dale, 'yon ang pumasok sa isipan ko. Marahan ang bawat paghakbang ko para hindi lumikha ng ingay. Ganon na lang ang kaba ko nang makita kung sino ang dumating. Ang dalawang taong matagal ko nang hindi nakikita ay nasa harapan ko katabi ang anak ko. Nag-uunahan sa alala ko ang magkahalong pait at saya noong nakasama ko sila.

Ilang minuto akong nakatayo roon na hindi napansin ang agad ang presensiya. Hindi ako makapaniwala na parang ayos na ang lahat. Malinaw pa sa alaala ko ang naging pag-uusap namin ni grandma noong mga araw bago ako umalis ng mansion.

Si grandma ang unang nakapansin sa akin na agad na tumayo. Marahan akong ngumiti sa naiiyak niyang ekspresyon. Inalala ko na lang lahat ng magagandang bagay na ipinakita nila sa akin noong nasa puder pa nila ako.

May pagmamadali siyang pumunta sa akin pero dala ng kantandaan ay mabagal na siyang kumilos ngayon. Naalala ko pa nang minsan itong na-confine sa Ospital. Mabuti at maayos na ang kalagayan nito ngayon.

"Hija, kumusta ka na?" Mahigpit niya akong niyakap na sinuklian ko naman.

"Hello po, grandma, ayos naman po. Kayo po ang kumusta na, hindi po ba ay naospital kayo?" Bumuhos ang luha niya at sunod-sunod na tumango.

"Maayos na ako, hija, at mas maayos na ako ngayon nakita kita ulit. Maraming salamat dahil bumalik ka sa apo ko. Matagal ka niyang hinanap..." Lumingon si grandma sa gawi nina Dale. "Sayang lang at hindi niya nasubaybayan ang paglaki ng apo ko sa tuhod. Napakabibo na bata ni Din-Din. Napalaki mo siya ng maayos, Iana. Sana mapatawad mo kami dahil malaki ang naging kasalanan namin sa 'yo. Kami ang dahilan kung bakit hindi nakasama ni Dale ang anak niya. Sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran."

"Huwag na po kayo umiyak, grandma, kahit hindi niyo hiningi, matagal ko na po kayong napatawad kaya tahan na po."

"Salamat, apo. Maraming salamat." Napakalas kami sa pagyayakapan nang magsalita si Don Arturo.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon