Kabanata 5

14.9K 223 6
                                    

Kabanata 5

Iana's

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag. Wala pa rin akong matinong lead na nakukuha kung nasaan na ba siya. Anim na buwan na ako dito sa Pilipinas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita kahit anino manlang.

Feeling ko tuloy nasayang lahat ng sinakripisyo ko makapunta lang dito at tuparin ang pangako ko sa kanya.

Alas tres pa lang ng hapon kaya pwede pa akong bumalik sa opisina para sa naiwan kong trabaho. Siguro bukas na lang dahil bigla akong nawala sa mood. Parang gusto kong magpahinga.

Pagpasok ko sa mansyon ng mga Perdigon ay naabutan ko si Dale na nakaupo sa sala at nakakunot ang noo.

Oh, ano namang ginagawa ng lalaking ito dito? At bakit siya nandito? Hindi ba dapat nasa opisina pa siya ngayon. Imbes na pansinin ay nilagpasan ko siya. Wala talaga akong gana ngayong araw na ito kahit makipagbangayan kay Dale. Tumatakbo ngayon ang isip ko sa pagsasabi kay Mommy sa Singapore na uuwi na ako at ayaw ko naman talagang magpakasal kay Dale Perdigon. Aamin na ako na napilitan lang ako para makapunta dito sa Pilipinas.

"Saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Dale sa gitna ng mga hakbang ko paakyat sa hagdan.

Dahan-dahan akong lumingon at tamad siyang tiningnan.

"Sa kwarto? Saan pa ba?" walang gana kong saad.

Sarkastiko naman siyang tumingin sakin. Anong problema nito? Mukhang nagkaroon siya ng pakialam sa 'kin ngayon. That's new!

"Saan ka galing?" Sunod na tanong pa nito. Masyado siyang seryoso na bago para sa akin.

Ano naman bang nakain ng lalaking ito. Wala siyang playful na aura katulad dati. Puno ito kaseryosohan.

"Wala sa kaibigan lang. Sige aakyat na ako," sagot ko na lang.

Tumalikod na ako at akmang aalis pero may isang braso ang pumigil sa akin.

"Anong bang problema mo? Bitiwan mo nga ako!" Naiirita kong saad. Hindi ko namalayan na nilapitan na pala niya ako.

"Hindi ka pumunta sa kaibigan. Sinundan kita. Nakipagkita ka sa isang lalaki. Sino siya? May ibang lalaki ka ba?" maanghang niyang paratang sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dale. Shit. Nakipagkita kasi ako sa isang restaurant with my private investigator kanina kaya naghalf-day ako. At napag-alaman kong hanggang ngayon ay wala pa ring matinong lead kung nasaan ang taong pinapahanap ko. Hindi ko alam na sinundan pala niya ako.

"Ano bang pakialam mo? As if naman asawa kita..." iritado kong saad.

Napansin kong namula ang mukha ni Dale at napahigpit ang hawak niya sa braso ko.

"You won't cheat on me," mariing bigkas niya sa bawat salita.

Nakaramdam ako nang takot sa mga binitiwan niyang salita. Pero hindi ko pinahalata iyon. Seryosong-seryoso kasi ang pagbigkas niya aakalain mong may matinding pinanghuhugutan. Bakit may nanloko na ba sa kanya?

"Ano ba! Nasasaktan ako. Let me go!" Agad naman niya akong binitiwan.

Mukha rin siyang nagulat sa inasta niya. Kinuha ko naman ang chance na 'yon para makaalis at umakyat na sa kwarto.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon