Kabanata 3
Iana's
Hindi ko alam kung anong nakain ng lalaking ito para bilhan ako ng mga damit. Paniguradong iniinsulto niya lang ang pananamit ko. So what? 'Yon nga ang plano ko, e. Gawin ang lahat para hindi niya ako magustuhan. I think I succeeded, walang araw na hindi kami nag-aaway. Hindi kami nagkakasundo. We silently declared that we really hate each other.
Tahimik lang ako sa kotse niya. As if naman close kami at marami kaming pwedeng pag-usapan 'di ba? We never had a nice conversation, if there's any, it will always end up shouting with each other. He hates my guts and I hate him, too. The feeling is mutual.
Pagkatapos ng late lunch namin ay nagpasya nang umuwi ang boss ko. Wala raw siyang urgent na gagawin. Sa isip-isip ko, e may kailangan siyang pirmahan kanina na document na pina-follow up na ng Accounting Department kahapon pa. Hindi na ako nakipagtalo dahil pag-aawayan na naman namin ito panigurado.
Pumasok na kami sa pamilyar na village. Anim na buwan na ang nakakalipas magmula nang tumira ako dito. Maayos ang pakikitungo ng lahat maliban kay Dale. Syempre inborn na ang kagaspangan ng ugali niya kaya 'di na ako nagtataka.
Tumigil ang sasakyan at bumaba na kaagad ako. Wala akong ni isang binitbit sa mga dala niya. Sa dami ng paperbags na galing sa boutique ay hindi ko na mabilang kung ilan ito. Siya naman nakaisip n'yan kaya bahala siya sa buhay niya.
"Wala ka bang balak tulungan ako sa mga damit mo?" Inemphasize niya talaga na akin ang pinamili niya.
Sarkastiko ko siyang nilingon.
"Damit ko na binili mo." Kumunot ang noo niya.
Bago pa niya ako bugahan ng kung ano mang salita ay mabilis na akong pumasok sa loob. Hindi ko inasahan na nag-aantay pala ang grandparents niya sa living room.
Nakangiti silang dalawa na nag-aabang sa amin. Syempre tumigil ako at nagmano sa kanila bilang paggalang.
"Good evening po," sabi ko.
"Good evening din, hija. Where's my apo?" Nakangiting sabi ni Lola Olivia at bumaling sa kakapasok lang na si Dale.
"Oh, pinagshopping mo ang asawa mo? How sweet naman, hijo," manghang-manghang sabi ng lola niya sa kanya.
Napapangiti naman ang grandpa niya. "Mabuti naman at nagkakasundo na kayo. Dapat masanay na kayo sa isa't isa para kapag kinasal na kayo, walang magiging problema."
Napaubo ako sa sinabi ng lolo niya. Asawa? Kasal? Hindi ko paaabutin ng kasal ang kung ano mang meron kami ngayon. I will make ways para makaalis sa kasunduan na ito. Actually, it's all my damn fault. Kung hindi ako nagpumilit na pumunta dito sa Pilipinas ay hindi mangyayari ito. Hindi ako bibigyan ni Daddy ng isang ultimatum makauwi lang.
"Are you okay, hija?" Nag-aalalang sabi ni Lola Olivia nang mapansing malalim ang iniisip ko.
"Okay lang po. Akyat na lang po muna ako sa kwarto."
Nang tumango sila ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Wala naman na akong balak bumaba dahil nabusog naman ako sa kinain namin ni Dale kanina.
Pinagpasyahan kong magbabad muna sa bathtub para ma-relax ko naman ang katawan ko sa stress na nakukuha ko sa office. After nito ay magpapahinga na ako.
Mga ilang minuto rin akong nagbabad bago tumayo. Hinila na kasi ako ng antok ko kaya kailangan ko ng magbihis baka abutan pa ako ng antok sa bathtub.
Kinuha ko ang bathrobe ko at dumiretso sa walk-in closet na nasa tabi lang ng comfort room. Separate room ito pero may connecting door sa bathroom.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...