Kabanata 22

9.2K 135 4
                                    

Kabanata 22

Dale's

Nauna akong bumaba ng kotse pagkarating sa mansyon. Hindi ko na itinago ang inis sa nangyari. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong.

Napasuntok ako sa pader sa inis. Nakuha pa talaga niyang makipag-date sa Knight na 'yon. Ano, nag-enjoy ba siya? Tapos ano ang susunod!? Papayag na siyang ligawan ng lalaking 'yon!? What the hell!

Nine PM na at hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Shit! Why am I acting like this?! What should I do? Hindi ko na pwedeng ulitin ang pang-i-ignore sa kanya. I'm done with that.

I calmed myself before I went down the stairs. Naabutan kong kumakain na mag-isa si Iana sa dining.

"Nasaan si baby?" tanong ko sa kanya.

Akala ko hindi niya ako sasagutin at patuloy pa rin siya sa silent treatment niya sa 'kin.

"Kasama ni Ate Sally sa room. She's asleep." I nodded before I pulled out a chair in front of her.

Sinulyapan ko siya bago kumuha ng pagkain. Tahimik kaming kumain. Malapit na siyang matapos kaya mabilis ko ring inubos ang pagkain ko.

Tumayo na siya at dinala ang plato sa may sink. Tinapos ko na rin ang pagkain ko bago pa siya matapos sa paghuhugas ng plato niya.

"Iana, can we talk?" saad ko.

Tumabi ako sa kanya at nilapag na rin ang plato sa sink. Hindi niya ako pinansin sa halip ay nagpunas na siya ng kamay niya. Handa nang umalis.

Hinakawan ko ang braso niya at inalis naman niya kaagad ito.

"Ano ba, Iana! For once, can we act like adults and settle our issues?" Hindi pa rin niya ako kinakausap.

Mabilis siyang naglakad paakyat sa hagdanan.

"Don't run away from me. We will talk!" Sumusunod kong saad sa kanya.

Tumigil siya saglit at binalingan ako. "Wala tayong pag-uusapan. Ayokong makipag-usap. End of conversation."

Tumakbo na siya paakyat at isasara na sana ang pinto ng kwarto nang iharang ko ang kamay ko.

"Ouch!"

Nakita ko ang dumaang pag-aalala sa mukha niya pero napalitan naman ito kaagad ng inis.

"Tanga ka ba?" iritado niyang saad.

I gritted my teeth.

Binuksan niya ang pinto at nakita kong naalimpungatan si Ate Sally.

"Ma'am? Sir?" si Ate Sally.

Biglang nagbago ang expression ni Iana.

"Ate Sally, tapos na po akong kumain. Salamat po sa pagbabantay kay baby." Ngumiti naman si Ate Sally.

Tumayo na ito at sinulyapan kaming dalawa ni Iana. Nakahawak ako sa kamay ko kaya napadako doon ang tingin niya.

"Okay lang ba kayo, Sir?"

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon