Kabanata 31
Iana's
"Grandma?" Napalingon ako kay Lola Olivia nang sumulpot siya sa likuran ko.
Malamig siyang tumingin sa akin. Wala na ang amor sa kanya 'di tulad noon kapag kausap ko siya. "Pwede ba tayong mag-usap?"
Tahimik akong nakasunod kay Lola Olivia sa may veranda. Malalim na ang gabi at dim lights na lang ang ilaw dito sa labas.
Magkaharap kaming umupo sa round table. Masusi niya akong pinagmamasdan.
"Nakapag-usap na ba kayo ni Irene?"
"Medyo madalang po, kamustahan lang." Lumakas ang kutob kong may mali base sa tanong ni grandma.
"So wala ka pa palang nalalaman. I'm sorry pero hindi ko na mahihintay na ang mommy mo ang magsabi sa 'yo nang nangyayari. I want you gone as soon as possible." Sumikip ang dibdib ko sa narinig.
"P-po? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ang kasunduan sa pagitan ng pamilya natin ay hindi na matutuloy. Sa madaling salita, walang kasalan na magaganap. Aalis ka sa mansion na ito at babalik kung saan ka man galing."
Napaluha ako sa binitiwang mga salita ni Lola Olivia.
"Bakit po? Ano pong nangyayari?" Gulong-gulo ang isipan ko at hindi ko maipagtagpi-tagpi ang lahat.
Maayos naman ang lahat bago sila umalis. Kinumbunsi pa nila akong bigyan ng pagkakataon si Dale. Nakiusap pa sila sa akin tapos ngayon tila umihip sa kabilang dako ang hangin. Gusto na nila akong umalis. Walang kasalan na magaganap.
Paano ang lahat ng plano namin ni Dale? Mauuwi na lang ba talaga ito sa wala?
Lumapat ang labi ni Lola Olivia at sinalubong ang naluluha kong mata. Nakita ko ang dumaang awa sa mata niya pero tila pinatatag ang sarili at matigas na nagsalita.
"Bagsak na ang negosyo niyo. Ang ama mo ay tinutugis na ng mga awtoridad ngayon. Nagtatago dahil sa illegal na transaction. Pasensiya na pero kailangan kong unahin ang kapakanan ng apo ko. Napalapit ka na sa amin. Nakikita kong maayos na kayo ng apo ko pero sa tuwing naiisip ko ang maaring epekto ng koneksyon namin sa pamilya niyo, naaawa ako sa apo ko. Lahat ng hirap niya sa kompanya ay mauuwi sa wala."
Bumuhos ang luha ko at tumango kay Lola Olivia. Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinabi niya. Malinaw na sa akin ang lahat at naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.
Kaya pala... kaya pala ilang linggo ko nang nararamdamang may mali. Si Mama, kailangan ko siyang makausap. Huminga ako ng malalim. Pinalis ang luha at diretsong sinalubong ang tingin ng matanda.
"Naiintindihan ko po. Aalis po ako. Bigyan niyo lang ako ng ilang araw. Kakausapin ko lang ang Mama ko at aalis na rin po ako. Sige po..." Tumalikod ako at agad napatigil nang hawakan ni Lola ang kamay ko.
Nakita ko ang pighati sa mukha niya. Niyakap ko siya. "Huwag po kayong malungkot. Alam ko pong kapakanan lang ni Dale ang iniisip niyo. Kung ako rin naman po ang nasa posisyon niyo, gagawin ko rin po ang lahat sa ngalan ng taong mahal ko. Salamat po grandma sa mainit niyong pagtanggap sa akin."
Sinuklian ako ng mahigpit na yakap ni Lola Olivia. "Maraming salamat hija at naiintindihan mo ako. Pasensiya na at wala akong magawa. Iyon ang kagustuhan ni Arturo at ito ang masusunod."
Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon. Magdamag akong umiyak. Sinubukan kong kontakin si Mama pero hindi siya online. Mabuti na lang at hindi napansin ni Dale ang pag-iyak ko nang tinabihan niya ako. Mahigpit niya akong niyakap patalikod. Nakatulog kaagad siya at nanatili akong dilat. Hindi ko alam kung anong naging daloy ng usapan nila ni grandpa pero ano man ang desisyon niya, labas na ako doon. Kung pipiliin niya ang pamilya niya at kompanya, kaya kong tanggapin.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...