Kabanata 20

11.8K 156 21
                                    

Kabanata 20

Dale's

Lumipas ang dalawang araw magmula nang magdala ako ng babae sa bahay. Simula noon ay hindi na ako pinapansin ni Iana. Natamaan naman ako sa sinumbat niya sa 'kin. Aaminin ko namang may punto naman siya. Sumobra ata ako nang gabi na 'yon.

Sa nakalipas na araw, pinilit ko ang sarili kong bumalik sa dati kong gawi. Tuwing hapon ay madalas ako sa Lemonade Restobar, si Lemon lang ang madalas kong kasama. Si Evans ay busy sa asawa niyang si Fia, nagpa-family planning na ata sila para magka-baby. Si Grey naman ay lumipad sa ibang bansa habang si Maccoy ay busy sa tinatayo niyang catering business.

"Oh, nandito ka na naman? Sinong kasama mo?" Nag-high five kami ni Lemon nang lapitan niya ako dito sa may bar counter.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Nginisian ko siya. Pabiro niya akong sinuntok sa braso bago ako tinabihan.

"Ano bang problema mo? Dati naman, pinipilit pa kitang pumunta dito, ngayon kusa ka ng pumupunta kahit walang invite galing sa akin." Nakangisi niyang saad.

Uminom ako ng inorder kong whisky. That's true. Almost seven months ko nang hindi nagagawa ang mga nakasanayan kong gawin. Simula nang dumating si Iana, tinigil ko na ang pagpunta sa bar, alcohols and flings.

Lahat nang pumupunta sa office ay mga past flings ko na. Nanibago ata na hindi ako nakikita sa mga bar kaya pinupuntahan na ako. Except kay Gina, 'yong babaeng dinala ko sa mansion. Sinadya ko talaga 'yon dahil sa inis ko kay Iana pero nang sumbatan niya ako, na-realize ko naman kaagad ang pagkakamali ko. Mukhang sumobra nga ako sa bagay na 'yon.

"Nagpapalamig lang..." Hindi naman tinaggap ni Lemon ang sinabi ko.

"Wooh!! Nagpapalamig o nilalamig ang relasyon niyo ng secretary mo?" Tumaas-baba ang kilay niya.

"Ulol!"

Natawa lang siya sa sinabi ko. "Gusto mo bang magpainit, Dale? May ipapakilala ako sa 'yo. Sexy!" Umiling ako kay Lemon. Nagtayo talaga ito ng bar dahil hilig niya ang maghanap sa bar ng mga babaeng naikakama niya.

Tinapos ko ang iniinom ko bago tumayo at tinapik siya sa balikat. "No, thanks!"

Hindi ko na kinailangan nang ilang araw pa bago na-realize ang nararamdam ko. I like Iana. I really like her. Nagalit ako sa ginawa niya, hindi lang dahil nagsinungaling siya sa 'kin. Galit ako kasi nagawa niyang magsinungaling sa lahat para sa isang lalaki. Isang lalaking niloko lang pala siya. Fck.

Nakaramdam ako ng galit sa boyfriend ni Elena Davillion. I'll make sure na hindi na matutuloy ang deal na napag-usapan na namin. Even if the contract is signed already, I will find a way to make it invalid. I don't want to get acquinted with that scum!

"Manang, where's Iana?" Nasalubong ko si Manang papuntang kusina.

Lunch time na at hindi pa rin ito bumaba.

"Wala pa Sir, gusto niyo po bang tawagin ko?" Umiling ako kay Manang.

"Huwag na po. I'll do that." Nakangiti naman niya akong iniwan.

Kaninang umaga, ako mismo ang naghanda ng breakfast. May niluto akong fried rice, bacon & eggs, dried fish and pancakes. Nagtimpla rin ako ng coffee para sa 'kin at gatas naman para kay Iana. Sa tagal nang pagsi-stay niya dito, naging observant naman ako sa kanya. Akala niya lang siguro hindi ko alam.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon