Kabanata 58

9.2K 149 34
                                    

Kabanata 58

Iana's

Malaki at malinis ang penthouse na tinitirhan ni Dale. Minimalistic black and white ang theme ng buong unit. Lihim akong napangiti nang agaw pansin ang mga kulay pink na laruan ni Din-Din na nakakalat sa may living room. May tent din na princess design na nasa gitna mismo ng sala. Agad akong hinila doon ng anak ko.

"Mmy, look at my barbie dolls..." Tuwang-tuwa siyang pinakita ang mga dolls niya na nasa kanya-kanyang box pa.

Ang ngiti ko ay napalitan ng ngiwi. Alam kong sabik si Dale kay Din-Din pero masyado ng maluho ang mga ito. Hindi naman niya malalaro 'yan ng sabay-sabay. Sana naman ay naisip 'yon ni Dale bago bilhin ang lahat ng ito.

"And I also have other barbie dolls pa po in my room. Papa bought it for me," bidang-bidang dagdag niya.

"Anak, 'di ba, I told you already na hindi mo kailangan ng marami toys? Hindi mo naman malalaro 'yan lahat."

Nag-pout ito at dahan-dahang tumango. "But mommy, I didn't know that Papa will bought these dolls for me. I promise!" Tinaas niya pa ang kamay niya.

Napailing na lang ako saka siya niyakap. Ilang araw ko lang naman hindi nakasama ang anak ko pero parang taon na ang lumipas. Na-realize kong hindi ko kayang mabuhay nang hindi ko kasama ang anak ko. Sana naman ay hindi na talaga maisipan ni Dale na ilayo sa akin si Din-Din.

"Is there a problem with me buying toys for my child?" Napalingon ako kay Dale. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya at sa tingin ko'y narinig niya pa ang naging usapan namin.

Malamig pa rin siya kung makatitig ngayon. Pati boses ay malamig din. Kay Din-Din lang talaga siya malambot makitungo. Minsan tuloy akala ko magkaibang tao ang kasama namin.

"Wala naman Dale, ang akin lang, hindi ko kasi sini-spoiled si Din-Din sa mga materyal na bagay. Ayaw ko lang sana—"

Naputol ang sasabihin ko nang balewalain ako ni Dale at dumiretso siya kay Din-Din. Binuhat niya ito bago hinalikan sa pisngi.

"Are you tired, baby? Want to rest in your room?" Pag-aya niya sa anak.

"Yes, Papa. I want to sleep with mommy..." Nasa balikat ang mukha ni Din-Din at nakatingin sa akin. Napatigil tuloy sa paglalakad ang magaling niyang ama.

"You heard her. What are you waiting for?"

Inismiran ko siya nang tumalikod ito. Nakakairita. Wala naman siyang sinabing sumunod ako. At ano bang ine-expect niya na magiging feel at home agad ako sa bahay niya?

Umakyat silang dalawa sa hagdan at sumunod naman ako. Sa ikalawang palapag ay may limang pinto. Hindi na ako nagtanong kung bakit lima ang kwarto eh mukhang mag-isa lang naman siyang nakatira dito ngayon. Napaisip tuloy ako kung anong nangyari sa kanila ni Elysse. Hindi kaya nag-divorce na sila? Imposible naman kasing dito 'yon nakatira e wala manlang touch ng babae dito. Wala manlang picture, may iilan lang na painting. Bachelor na bachelor ang dating ng kanyang pad.

Binuksan ni Dale ang pinto bago ang dulo. "This is Din-Din's room. You can stay in her room or you can choose any doors aside from my room on the right." Tinuro niya pa ang kwarto niya.

Palihim ko siyang inismiran. Gusto ko sanang sabihing wala ako pakialam sa kwarto niya at ni hindi ko naisip na tumapak manlang doon. Ang yabang. Ang kapal ng mukha. Akala ko pa naman nagbago na siya. Well, nagbago na siya kasi ibang-iba na siya sa Dale na kilala ko noon pero may attitude pa rin siyang hindi nawala lumipas man ang ilang taon.

"Okay na ako dito," mahina kong sagot bago pumasok.

Ibang-iba ang aura ng kwarto ni Din-Din sa kabuuan ng bahay ni Dale. 'Yong tipong naligaw lang talaga. Mukhang pina-design niya pa talaga ito. Talagang pinaghandaan ang pagdating ng anak ko. Pink and white barbie dolls theme ang kwarto. May flatscreen TV. May doll house. Nakahilera rin ang mga bagong biling stuffed toys at barbie na mga naka-box sa isang tabi. Tama nga ang sinabi ng anak ko.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon