Kabanata 32

9.4K 107 18
                                    

Kabanata 32

Dale's

Sumunod ako kay grandpa sa library. Sobrang seryoso ng mukha niya kaya na-sense ko nang may problema.

"Sit down, Dane Lenard." Umupo ako sa harap niya.

Masusi akong tiningnan ni grandpa bago nagsalita. "I have an important matter to say that you need to know. The wedding is cancelled. Your engagement with Iana has been called off," walang paligoy-ligoy niyang saad.

Hindi agad nag-sink in ang sinabi niya sa akin. Tama ba ang pagkakarinig ko. Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Iana. Paano ang mga plano namin!?

"W-what? Why?" Kunot-noo kong tanong. Huminga ng malalim si grandpa bago nagpatuloy.

"Nasangkot sa illegal ang kompanya nila. In less than a year, inaasahan ang pagbagsak ng negosyo nila at hindi tayo maaaring makasama sa pagbagsak nila. Ayokong magkaroon ni konting connection ang Perdigon Properties sa mga Pizarro kaya ngayon pa lang, putulin mo na ang anumang connection sa pamilya nila. Break up with Iana to save the legacy of the business!"

Umiling ako kay grandpa. Hindi pwedeng ganun-ganun ko lang itatapon ang pinagsamahan namin ni Iana. Marami na kaming plano. Mahal ko siya! Hindi ko siya pwedeng iwan nang dahil lang sa kompanya.

"Grandpa, wala na bang ibang paraan. Hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya. Mahal ko siya kaya hindi ko siya basta-bastang itatapon lang dahil lang sa kompanya!" mariin kong saad.

Matalim akong tiningnan ni grandpa. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?! Dahil lang sa kompanya? Baka nakakalimutan mong dugo't pawis natin ang pinuhunan natin para marating ang kinalalagyan ngayon ng kompanya. Stop acting like a fucking child! You know from the very start that heart has no place in the industry!"

"Pero grandpa... ganito na lang ba talaga palagi? Sunud-sunuran na lang ba talaga ako sa kung ano mang sabihin niyo? Ginawa niyo nang business deal pati ang buhay ko. Wala naman ata kayong karapatan na piliin ang babae para sa akin at kung ayaw niyo na ay hahanap kayo ng iba. Mahal ko siya. Mahal ko si Iana..." Ngumisi si grandpa at matigas akong inilingan.

"Huwag kang umaktong estupido Dane Lenard. Alam nating pareho na napilitan ka lang din namang pansinin si Iana. Kung hindi ko pa sinabi sa 'yong tatanggalin kita sa posisyon mo ay hindi ka pa gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Tigilan mo na ang kahibangan mo. Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang masusunod."

"I can't believe you're saying this, grandpa..."

Tumalikod na ako at aambang aalis nang tawagin niya ulit ako. Tumigil ako pero hindi ko na siya nilingon.

"One more thing Lenard, be good to Ellyssandra Salazar. Nag-offer ang family niya ng magandang deal sa atin. Don't ruin anything, I am warning you. Siya ang papalit kay Iana bilang fiancé mo kapag natuloy ang deal na 'yon."

Umiling ako sa kabaliwang sinasabi ni grandpa. Hindi ako makapaniwalang darating ako sa puntong masasakal ako sa lahat ng gusto niya. Simula pagkabata ay sinunod ko siya pero ibang usapan naman ata na pati sarili kong buhay ay magagawa na niyang kontrolin.

"Lenard..." Napukaw ang isip ko nang sumulpot si Elysse sa tabi ko.

Kakaalis lang ni Iana at nanghinayang pa rin akong hindi ako nakasama sa kanya. Pinagbigyan ko na lang dahil huling beses na rin naman niyang makakasama si Mr. Quijano.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon