Kabanata 26

10.7K 140 16
                                    

Kabanata 26

Iana's

"Kailangan mo ba talagang hawakan ang kamay ko? Pinagtitinginan na tayo dito, eh," bulong ko kay Dale na wala naman atang pakialam sa paligid niya.

Nakayuko ako at tiningnan ang magkahawak naming kamay. Kanina sa kotse hindi niya rin binibitawan ang kamay ko hanggang dito ba naman sa office.

Paniguradong topic na naman ako ng chismis dito sa office. Ang bilis pa naman kumalat ng balita dito.

"Let's go." Hinila na ako ni Dale papasok ng executive elevator.

Tumango sa kanya ang dalawang directors na nakasabay namin sa loob.

"Good day, Mr. President!" Napatingin ang director sa kamay naming dalawa. Kumunot ang noo nito at may binulong sa katabi niyang director.

"Good day!" sagot ni Dale at hindi naman tinanggal kahit pinipilit kong alisin ang kamay ko.

Napayuko lalo ako nang makitang napunta na rin ang mata nung isang director sa kamay namin. Napailing silang dalawa at seryosong tumingin sa harap. Sinulyapan ko si Dale na wala namang pakialam sa nangyayari.

Nang bumaba ang dalawa ay binalingan ko na siya.

"Hindi tayo dapat nagho-holding hands sa office, Dale. Ano na lang ang iisipin ng mga employees mo?"

Sumimangot siya. "Hayaan mo kung anong iisipin nila. I don't care. I like it this way."

"Can we act more professionally? It's not appropriate to be seen like this when everyone knows that I am your secretary," I reasoned out.

Hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag kay Dale na mas okay kung magiging lowkey lang ang relasyon namin. Ayoko namang gulatin ang mga tao dito.

"Don't worry, I will announce our relationship once you say yes to my proposal. Okay?" I rolled my eyes. He's treating this lightly.

Walang bakas sa mukha niya ang pagwo-worry sa pwedeng maging implications nito sa position niya. Sa kanya na rin nanggaling na bawal ang relationship sa office at hindi naman siya exempted doon. Ngayon pang secretary niya ang naging karelasyon niya? It might stain his name.

Bumaba kami sa tamang palapag. Nagawa ko nang kalasin ang pagkakahawak niya sa 'kin kaya nauna ako sa loob. Dumiretso ako sa table ko at binuksan ang computer.

Nanatili siya sa harap ko at tinatantya ang mukha ko.

"Are you mad?" Sinulyapan ko siya at pagod itong tiningnan.

"Dale, naiintindihan mo naman kung saan ako nanggagaling 'di ba?"

"Kinakahiya mo ako? Sa tinatakbo ng usapan natin, 'yon lang ang nakukuha ko. Kung sabagay, mukhang napilitan ka lang naman talaga na pumayag sa gusto ko," malamig niyang saad bago pumasok sa office niya.

"Dale, hindi naman sa ganun pero kasi..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumara na ang glassdoor niya. Inis akong napabaling sa computer ko.

Lumipas ang isang oras na walang iniutos si Dale. Naging busy rin ako sa work ko kaya hindi ko na siya sinundan pa. I hope ma-gets niya 'yong pinupunto ko.

Tatlong katok ang narinig ko at agad sumungaw ang ulo ni Georgie.

"Hi, baks! I miss you." Tumili ito at agad tinakpan ang bibig.

Sinenyasan ko kasi na nasa loob si Dale.

"Ano na? Baks! Kumusta vacay mo?" Umupo ito sa harapan ko at dumikwatro.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon