Kabanata 46

8.8K 119 49
                                    

Kabanata 46

Iana's

"What makes our liberica coffee differs from others is it's all organic, we never use pesticides or artificial fertilizers..."

Kanina pa nagdi-discuss si Leon tungkol sa produkto namin pero kapansin-pansin na wala naman ang atensyon dito ni Dale. Kanina pagpasok ko ay pasulya-sulyap lang siya sa akin pero nang nagtagal ay halos tumitig na ito. Hindi ko alam kung napapansin ni Leon ngunit itong kasama ni Dale na nagpakilalang sekretarya niya ay kanina pa 'yon napapansin. Pasimple niyang kinakalabit ang katabi na hindi nakatakas sa akin.

Hindi ako nagbigay nang anumang reaksyon at sa halip ay nakatutok lang kay Leon at paminsan-minsang nagsusulat sa dala kong notebook. Hindi ko talaga intensyong sumama dito sa meeting na 'to pero wala akong mabigay na ibang dahilan kay Leon. Magandang rason na sana na nagkaroon ng kaunting problema sa farm pero nagawan ito kaagad ng paraan ni Leon.

Mabuti na lang at nakapag-practice ako nang gagawin kapag nagkita kami ni Dale. Gaya nang ginawa ko kay Fia ay umakto akong hindi ko ito kilala. Ngayon ay wala naman siyang ibang kakaibang ginagawa maliban na lang sa pagtagal ng mata sa akin. Paminsan-minsan ay kinukuha ni Leon ang atensyon ko. Nagtatanong siya sa akin na diretsa ko namang sinasagot.

"Good," maiksing sagot ni Dale matapos ang huling sinabi ni Leon. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya kay Leon o hindi.

"Ahm... Mr. Perdigon, sorry to ask but itatanong ko pa rin. Saan niyo po gagamitin ang i-susupply naming produkto sa inyo?" Natawa pa si Leon sa gitna nang pagtatanong. "Alam naman ng halos lahat na real estate ang business niyo kaya pasensiya kung naitanong ko ngayon."

Ngumisi lang sa kanya si Dale bago sumagot.

"A friend of mine has a cafe and currently expanding their business this year. As a friend and also an investor, I'm helping them to look for other varieties of coffee to offer—"

Naputol ang sasabihin niya nang sumingit ang kanyang secretary or secretary nga lang ba talaga? Hindi ako sigurado at hindi ko rin nagustuhan ang ginawa nito. Hindi manlang siya sinisita ni Dale? That's new. Ayaw na ayaw pa naman niya na hindi pinapatapos ang kanyang sinasabi.

"Ah, tama Sir, tinutulungan lang po ni Sir Dale sina Ms. Chikkie sa cafe business nito. Naghahanap lang po ng ibang product na mai-offer. Aside po doon, dumaan lang din po kami since may tinitingnan si Sir Dale na properties dito sa probinsiya niyo."

Halos umabot sa tainga ang ngiti ng sekretarya kay Leon na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis na mukhang maraming nalalaman ito pati sa mga kaibigan ni Dale. Kung hindi ako nagkakamali ay asawa ito ni Greyson?

"Ah, I see. We hope na mapili niyo kaming supplier sa inyong cafe." Tumango-tango si Leon kay Dale.

"We'll see, Mr. Angeles. Don't worry since I will recommend your company, for sure it's settled." Lalong lumawak ang ngiti ni Leon. Pilit naman akong ngumiti.

Bumaling sa akin si Dale pagkatapos...

"Excuse me, what's your name again?" Nagkatinginan pa kami ni Leon bago ako sumagot.

"I'm Elaine Manahan, Mr. Perdigon." Ngumiti siya sa akin.

"Nice name... By the way, are you here tomorrow if I'll visit again for the draft of contract?" Napakurap ako.

Ano? Babalik pa siya bukas?

Hindi ako nakapagsalita. Nanlaki rin ang mata ng secretary niya.

Mabuti na lang din at sinalo ako ni Leon.

"Ah, I can send the draft of agreement via email, Mr. Perdigon, to save time. I know that a businessman like you has hectic sched. Nakakahiya naman kung kayo pa ang pupunta. I can call or meet your friend, if you want," suggestion ni Leon na hindi sinang-ayunan ni Dale.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon