Kabanata 33

9.1K 133 16
                                    

Kabanata 33

Iana's

Wala akong ginawa kung hindi magdamag na umiyak. Pinilit kong itago ang hikbi ko nang pumasok si Dale sa kwarto. Malinaw na malinaw sa pagdinig ko ang salitang binitawan niya. Akala ko magiging masaya akong marinig 'yon pero lalong sumikip ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa pagpigil ng damdamin ko. Masakit. Alam kong masasaktan ko siya sa gagawin ko.

Maaga pa nang mag-online ako para makausap muli si Mama. Nangako siyang tatawag ngayon para sabihin ang gagawin ko. Kinakabahan ako nang nakitang tumatawag na siya.

"Anak, kumusta ka? Napuputol ang connection dahil mahina ang signal sa kinaroroonan namin ngayon. Anak naman..." Nahalata ni Mama ang pamamaga ng mata ko. Ngumiti ako sa kanya. "Magpakatatag ka, malalampasan nating lahat ito. Okay?"

Tumango ako kay Mama at mabilis na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. "I know, Ma, we'll get over this..."

"Your dad will prove his innocence. He will clear his name. While he is finding ways to fix this mess, you need to leave the Perdigons. We already talked and they want to cut all the connections with us. You can temporarily stay with Grace in Nueva Ecija while I'm finding a more secured place for you. Leave as soon as possible. Contact me when you're in Nueva Ecija. Please be safe, anak."

Nag-ayos ako ng mukha bago bumaba. Naglagay ako ng concealer para medyo matago ang eyebags ko. Ayokong ipaalam kay Dale ang plano ko. Hindi pa ako handa sa magiging reaksyon niya. Paniguradong kinausap na siya ni grandpa tungkol sa pamilya ko pero ba't hanggang ngayon wala siyang sinasabi sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang pagdudahan din siya kahit mahal ko pa. Kung si Tito Bert nga na ilang taon na naming kasama at tinuring na pamilya ay nagawang talikuran si Dad.

Hindi ko inasahan ang naabutan ko sa hapag. Kumakain na ng breakfast si Don Arturo at Lola Olivia. Nag-alinlangan pa akong dumiretso kaya lang tinawag ako ni Manang kaya wala akong nagawa.

"Oh, Iana, nandiyan ka na pala. Saluhan mo na ang lolo at lola mo," saad ni Manang matapos ilapag ang ulam. Naglapag na rin siya ng plato sa table saka ito umalis.

Dahan-dahan akong umupo at tinantiya ang matatanda na wala namang reaksyon.

Maingay lang na tumikhim si grandpa pero hindi naman agad nagsalita. Kumuha ako ng konting pagkain kahit wala naman talaga akong gana. Gusto ko na lang matapos ang pagkain ko para makaalis.

Naka-ilang subo na ako nang magpunas ng bibig si grandpa.

"Iana, nakausap mo na ba ang iyong ina?" malamig na panimula nito. Ibinaba ko ang kubyertos at sinalubong ang tingin ng dalawa. Si Lola Olivia ay umiwas ng tingin sa akin.

"Oho, huwag po kayong mag-alala. Aalis na po ako sa mansyon. Bigyan niyo lang po ako ng kaunting oras," diretso kong saad. Hindi man nila tanungin, alam kong ito ang gusto nilang marinig.

"Sige. Mabuti at alam mo ang dapat gawin ngayong alam mo na. You see, hindi magandang may connection ka pa sa apo. It's not good for him and for the company. You know by now that your company will give a bad reputation to us. Also, Elysse Salazar, his fiancé is not comfortable seeing you around..."

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi niya. May kumurot sa dibdib ko pero pinanatili kong walang reaksyon ang mukha ko. Kaya siguro walang sinasabi sa akin si Dale. Kaya niya tinatago ang tungkol sa bagong fiancé niya dahil naaawa siya sa akin. Naiintindihan ko na ang lahat.

"Huwag mo na rin siyang hanapin ngayon araw dahil umalis sila ni Elysse papuntang Tagaytay. Magba-bonding dahil matagal-tagal na silang hindi nagkikita. Matagal nang kaibigan ng pamilya ang mga Salazar at pinagtibay na ito ng panahon. Hindi na rin niya ito mahihirapang pakisamahan dahil naging nobya naman niya ito noon bago ito umalis. Mas mabuti matali si Dale sa pamilyang matagal na naming kilala hindi ba..."

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon