Kabanata 19
Iana's
Ngayon ang huling araw namin sa resort. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa lugar bago pumasok sa van. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko na kanina pa ako hindi pinapansin. Nagpasak siya ng earphone at inayos ang pagkakabuhat kay Ara.
Lugo-lugo akong umayos nang upo at sinarado ang pinto. Alam kong galit siya at hindi ko inaasahan na ganito pala siya kapag galit. Hindi namamansin. Hindi manlang niya naisip na ako ang nag-asikaso sa kanya kagabi nung lasing na lasing. Hay. Walang sense of gratitude. Hindi manlang nag-thank you.
Ilang beses din siyang nagsuka kaya napilitan akong palitan din siya ng damit. Alas tres na nga ako nakatulog no'n pero hindi rin straight kasi nagigising ako sa iyak ni baby.
Hindi ko talaga alam na ang arte magalit ni Dale. Mas okay pa kung ipakita niyang galit siya, sigawan niya ako o sabihan ng masasakit na salita kaysa naman tinatrato niya akong parang hangin.
Kinuha ko sa kanya si baby. Hindi siya makatingin nang iniabot niya ito sa 'kin. Inayos ko ang pagkakalong kay Ara. Mulat na mulat siya na parang sinasabi na ang sarap ng tulog niya kagabi.
"Tuwang-tuwa ka ba kasi hindi mo ako pinatulog kagabi, ha?" saad ko dito. Humagikhik lang naman ang bata.
I pinched her nose softly. Nakakagigil talaga ang cuteness ni baby Ara. Para akong tanga na kinakausap kahit puro tawa at baby sound lang naman ang sinasabi niya. Okay na ito. Kaysa naman mapanis ang laway ko, hindi pa naman ako kinakausap ni Dale. Hmp.
Umandar na kanina pa ang sasakyan. Mga isang oras na rin kaming nasa loob ng van. Naiinip na nga ako at nangangalay. Si baby kasi ay hawak ko pa rin hanggang ngayon. Sumasakit na ang kamay ko sa pagbuhuhat sa kanya. Gusto ko na nga siyang patulugin kaya lang hyper pa siya ngayon. Wala 'yon sa vocabulary niya, masyadong siyang malikot.
Sinulyapan ko ang katabi ko. Naka-earphone pa rin at busy sa pangangalikot ng cellphone niya. Napansin ata ni baby ang tinitingnan ko. Inaabot niya ang kamay niya kay Dale. Pasimple naman akong umusod para lalo siyang maabot ni baby Ara.
"D-d-d-a-da..." pagtawag sa kanya ni baby.
Tinatawag pala talaga niyang Dada si Dale. Bakit kaya ako hindi niya tinatawag na mommy? Well, technically hindi naman kasi talaga niya ako mommy. Ano ba itong iniisp ko.
Napansin ata ni Dale na tinatawag siya ni baby kaya inalis nito ang earphone niya at tumingin sa bata bago ngumiti. Ngayon ko lang ata na-appreciate ang ngiti ni Dale kasi literal akong napatunganga. Ang gwapo niya pala kapag nakangiti siya. Palagi kasi siyang nakangisi kaya hindi ko napapansin. Ngayong seryoso siya ay hinahanap-hanap ko naman 'yon.
"What? You want to play with me?" tanong ni Dale.
Kinuha naman sa 'kin ni Dale si baby. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang mahawakan ang kamay ko habang kinukuha si baby pero hindi naman na ako nag-assume na sinadya niya nga iyon. Baka aksidente lang.
Naglaro nga sila at puro tawa ni baby ang naririnig sa sasakyan. May charm talaga si Dale pagdating sa bata. Kanina ko ba gustong makisali sa kulitan nila kaya lang pinipigilan ko ang sarili ko. Galit si Dale at kung may choice lang siguro siya, gusto na niyang lumabas sa sasakyan para hindi ako makasama.
Ang natirang oras ng byahe ay ginugol ko na lang sa pagtulog. Ilang gabi na rin akong nade-deprived sa 8 hours of sleep. Hindi rin naman ako kinakausap ni Dale, might as well, matutulog na lang ako.
Noong lunch naman, nag-stop kami sa isang Pinoy Restaurant. Sandali lang naman 'yon dahil bumalik rin kami sa van pagkatapos. Si baby ay nakatulog na rin. Sabay kaming nakatulog at nagising na lang na nasa mansyon na.
BINABASA MO ANG
The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)
Romance[COMPLETED] Synopsis: Iana Rodriguez agreed to an arranged marriage for her own reasons. She is bound to marry Dale Perdigon, the CEO of Perdigon Properties. He is the most arrogant, possessive playboy she has ever met. What made her more furious is...