70

139 11 2
                                    

Sobrang perfect ng lahat. Binuksan ni Danjay ang mga regalo sa harap naming mga nagbigay kaya gano'n na lang ang kantyawan. May iba kaseng hindi mo alam kung seryoso ba o ano.

Tom, Danjay's best friend, gave him a box of tissue na tiwanan lang ni Danjay. Noong turn na ng regalo ko ay nagsigawan na ang lahat.

Bigla tuloy akong nainitan. Nakalagay 'yon sa paper bag na may tatak kung saan ko rin iyon nabili. Buti talaga may extra ako.

Inilabas ni Danjay ang isang gray shirt. Kumabog ang dibdib ko ng pagmasdan niya iyon na para bang isa iyon sa pinakamagandang bagay na natanggap niya.

Tumayo pa siya at ipinatong 'yon sa katawan niya. Saktong sakto.

"Kilig naman si tanga." Si Tom. Hinagis ni Danjay ang box ng tissue na bigay nito sabay sabing, "Hanap kang Mara mo."

Ang halos kakapahinga kong puso ay muli na namang kumabog.

Puno ang table namin ng tawanan at kantahan. Ang daming guest pero halos sa table lang namin nag-stay si Danjay.

Nawawala man minsan pero mabilis ding nakakabalik.

"Kaninong phone 'yon?" Lahat kami ay napatingin sa phone na halos mahulog na sa table kaka-vibrate. It is Kali's phone kaya kinuha ko.

Hindi niya iyon pansin kaya ganon na lang nanlaki ang mata niya noong iabot ko 'yon sa kanya. Busy kase kakaisip ng kung ano.

"Excuse me. Sagutin ko lang," paalam niya sabay alis. May bigla ring dumungaw sa akin. Nang lingunin ko ay si Danjay pala. Kadarating lang mula sa kabilang table. Mukhang mga kababata niya. 'Di pamilyar e.

"Gusto mo ng dessert?" he asked while looking at the table.

"No, busog pa ako..."

"Dr—"

"Uy Mara!" Nilingon ko si Tom nang kulbitin niya ako.

"Sila pa ba nung boyfriend ni Kali?" tanong niya. Tinignan ko ang lugar kung saan ko nakita si Kali at namataan na hanggang ngayon ay may kausap pa siya sa phone.

"Oo," sagot ko. Nanlaki ang mata niya ay tinignan na rin ang kaibigan kong natawa na, malayo sa mataray na Kali kanina.

"Tagal na nila 'no?"

"Gusto mong drinks?" singit ni Danjay. Natawa ako bago tumango pero tumayo rin agad.

"Gusto ko pero ako kukuha." Ngisi ko. Napasimangot siya kaya lalo akong natawa. Weird nito. Minsan supladong 'di malaman ngayon softboy.

"Sama ako," ungot niya. Papayag na sana ako pero natanaw ko ang mama niyang nagpapapaypay. Mukhang pinapalapit si Danjay.

Siniko ko si Danjay at tinuro ang mama niya. Mukhang ipapakilala siya sa bagong dating.

"Doon ka muna, maalam na naman akong kumuha."

Tinignan niya ang mama niya. "Samahan muna kita."

"Doon ka na!" Tulak ko na 'di niya natanggihan. Nagpaalam muna ako kina Rei na busy kakahanap ng gwapo.

Pumunta ako sa table na punong puno ng mga drinks. Di makapili kung juice ba o softdrinks...

What if both? Hehe.

"Hi..." Natigilan ako sa pamimili nang may marinig na babae. Napalingon pa ako sa paligid. Sinisigurado kung ako ba talaga ang kausap.

"Hi?" Nakangiting sabi ko. Ngumiti pabalik ang babae. Base sa itsura niya. Mukhang kabatch lang namin, halos kaheight ko rin at maganda.

"Saw you on Danjay's friends table..  Schoolmate kayo?" tanong niya habang nasandok ng kung ano sa gilid.

Sino nga siya ulit?

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya bigla siyang naglahad ng kamay. "I'm Jewel, Danjay's childhood friend."

Childhood...

"Mara."

Binalik niya ang tingin sa pagkain habang nagsasalita.

"I saw your gift... Gray shirt?" Bigla na naman niyang sabi kaya miski akong hindi na dapat hindi na siya papansinin ay natigilan. Sinubukan kong magfocus sa paglalagay ng yelo pero nakikinig parin ako sa mga sinasabi nung Jewel.

"Hindi niya ba nasabi sa'yo?" tanong niya na nagpabaling sakin.

Ano bang trip nito?

Mukha siyang tuwang tuwa sa paglingon ko kaya agad ko iyong pinagsisihan.

"He hates color gray kase... Pagkase nabasa halata 'yung pagkabasa... You know what I mean?"

Nilingon ko siya. "So?" I blurted out of nowhere. Ang weird kase.

"I'm just saying... Take my advice para next time na magreregalo ka alam mo na."

Doon ako natawa. "Ikaw ba ang niregaluhan ko?"

I saw how her eyes move from me to my back. Mukhang nasa likod ko si Danjay.

"Just a tip from his childhood girl best friend— Hi, Dandan!" See? Nilingon ko si Danjay na nakatingin ngayon sa akin pagkatapos ay sa baso ko.

"'Di ka pa nakakakuha?" tanong niya. Akala ko ay papansinin niya muna yung best friend niya pero kinuha niya ang ice scooper sa kamay ko.

"Juice ba?" he innocently asked. Halos nakalimutan atang nag-Hi itong si Jewel.

"Mara," tawag niya ng d ako sumagot.

"Juice." Tinignan ko si Jewel na mukhang inis na 'di malaman.

Inabot ni Danjay ang juice sa akin bago binalingan si Jewel. "Kumain ka na?"

Parang nabuhayan ng loob ang babae at tinaas ang plate niya. "Kakain pa lang hehe." Napatango si Danjay at hinawakan ang siko ko.

"Mara si Jewel, kababata ko..."

Tinignan ko si Jewel na nakataas na ngayon ang kilay. "Sabi niya nga..."

"Kain lang kayo ha? Mara, tara sa table.."

"Hoy Danjay sa table ka naman namin, kanina ka pa hinahanap nina Loureen!" habol ni Jewel pero tumawa lang si Danjay.

"Oo mamaya!"

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon