104

123 14 6
                                    

Danjay Montano
Active now

Typing...

Gusto kita kausapin. Pero syempre di ko gagawin... Tamang type lang kunyari kausap kita...

Type bura ganon hahahaha

Nakakapangsisi palang dinelete ko buong convo natin no? Wala tuloy akong mabackread.

Habit ko na ata to. Tuwing namimiss kita, pumupunta ako dito... Tas magtatype, tas buburahin.

Swerte ko nga. Never ko pa napindot yung send button.

Expert na ata ako hahahahahahahaha.

Huwag sana mapindot yung send  ngayon hehe. Kamusta ka na? Balita ko, okay ka na raw... Varsity ka daw ng college department niyo? Naks...

Proud ex here huhu...

Miss kita oy... Pero di na kita guguluhin. Ayokong sirain yung peace na nabuo mo at sinira ko hehe.

Sorry...

Miss na kita...

Anniversary sana natin ngayon 'no? Hehez.

Paranas naman...

Happy anniversary, baby...

Pigilan mo ang sarili mo, Mara...

Magtype ka lang Mara! Huwag na huwag mong isesend!!!!

Tama ng—

Kanina pa galaw nang galaw yung three dot.

I know that you were typing something...

Kanina ko pa pinapanood ang pag-d-delete type mo...

I can see you...

And yeah...

I miss you too.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon