137

129 7 7
                                    

Danjay and I continued those set up. Sabay kaming papasok sa kanya kanya naming center pagkatapos ay sabay uuwi.

Mas nauuna ang oras nilang matapos kaya may time si Danjay na magdrive papunta sa traing center ko, para lang sabay kaming umuwi.

We continued this set up for months and when our big day was slowly approaching, mas lalo kaming nawalan ng time sa isa't isa.

Ang hatid sundo'y unti unting nawala nang madecide akong makitira muna sa kabatch kong malapit lang. Alibi ko rin 'yon para mas may time si Danjay sa pahinga at review. His board is also approaching. Kailangan niya na ng full time attention.

Tuwang tuwa pa ako ng malamang weeks before his board ay inaya siya ng mga kasamahan niyang tumira malapit sa review center, malapit din 'yon sa pag-e-exam-an nila kaya jackpot talaga.

"Kumain ka na ba?" Napaayos ako ng upo nang marinig ang boses ni Danjay sa speaker ng phone ko. Natawa ako bago pinulot 'yon.

"Yes, Engineer." I heard him chuckle. Unti unti na ring umingay ang backgroud sounds niya, parang may mga nagdatingan.

"I have to go, puntahan kita diyan sa weekends. Okay? Don't alma na. I will go there no matter what!"

Tawang tawa ako habang natango. Akala nama'y nakikita ako ni Danjay ngayon. "I will not alma na nga po. Conyo nito." I laughed. "Bye! Ingat kayo, I love you!"

Ang mga sumunod na linggo, mas lalo kaming naging busy. Halos hindi na kami nagkakausap sa isang araw. Naging mabigat na rin ang training namin, kabi kabila rin ang examination.

Kaya noong nakagraduate ako, nakapasa sa mga exam na halos sabit pa ang iba. Hindi ko mapigilang maging proud nang sobra, akala ko pagkatapos ng college, okay na. May ganitong training pa pala, after training. Bugbugang job hunting.

Akala ko padali na nang padali ang buhay. Narealize ko, hindi pala. Palakas lang tayo nang palakas kaya kinakaya ang mga ganito.

Noong examination day na ni Danjay. Sabi ko, hindi ako makakapunta. Kasi may training ako, hindi niya alam nauna pa ako sa venue.

Every single day, nandoon ako. May dalang bulaklak para pangitiin siya. It was overwhelming to see his beautiful smile as I handed those flowers to him.

"Ako dapat ang nagbibigay ng ganito sa'yo." Kagaya nang lagi kong ginagawa. Kukuha ako ng isang bulaklak ay isisilid 'yon sa maliit na pocket sa dibdib ni Danjay. 'Yon ang suot niya lagi, white shirt.

"You deserve it naman," sabi ko. Sinalubong ko ang tingin niya at malapad na ngiti.

"Naniniwala ako sa'yo galingan mo! Last day mo na." Lalong lumawak ang ngiti ko ng mapansin kahit papaano ay kumalma siya. Kanina ko pa kasi napapansin na medyo kabado siya.

"Thank you for being there since day one," bulong niya. Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ay pinatakan niya nang saglit na halik ang labi ko. "This is for our future."

* *

"Gagi kita ko na 'yong link!" 

Natigilan ako sa pagnguya ganoon din si Danjay na kanina pa walang gana.

Ngayon kasi ang labas ng result, at we decided na tumambay kina Danjay, with his friend Tom, Amyre, and of course, my friends.

Ilang araw na ring walang gana si Danajay. Hindi ko rin naman kasi alam na ganito pala ka-stressful maghintay. Tipong, kala mo chill-chill ka na. Hindi pala.

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon