18

307 17 0
                                    

"Napakayabang mo, bibili lang naman pala kaya ka ch-in-at." Inirapan ko si Rei bago umayos ng upo.

"Atleast ako ch-in-at, ikaw wala."

Si Rei naman ang umirap ngayon, pinakita niya ang phone niya. "Na-cancel na sorry."

"Yabang," natatawang sabi ko. Umupo ang magulong buhok ni Jash bago pagbagsak na nilapag ang bag niya sa unahan ko.

"Kapagod," bungad ni Jash. Tinignan ko ang bintana at ninamnam ang nag-aagaw na dilim at liwanag. Ito talaga ang isa sa paboritong parte ko umaga.

Ang simula...

"Wala pa si Kali?" tanong ni Rei sa gilid. Napatingin ako sa relos ko at nanlaki ang mata.

Si Kali kase ang Secretary namin, pero madalas siya ang tumatayong President dahil medyo walang nasunod sa Pres naming numero uno rin sa kaguluhan.

"5:55 na!" Rinig kong sigaw ng kaklase ko. Napangiwi ako't kinuha na ang phone, pagpatak kase ng 6:01, lahat ng late ay maglilinis ng banyo buong week.

As in sila lang! Kung mag-isa kang late, mag-isa kang maglilinis!

Never nalate si Kali at medyo mahigpit siya kaya lahat ay nakabantay sa relo, inaantay ang pagkakataong mapanood ang halos leader naming lahat na maparusahan.

"5:58!" Tuwang tuwang sabi ni isa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagtago na siya sa likod ng tropa niya. Pag 'ti nakita ni Kali taob 'to.

May mga sumulip na sa hallway kaya napangiwi ako, kailangan ko na atang tanggapin na mapapanood ko si Kali maglinis.

Parang gusto ko rin 'yon makita hehe.

"Absent ba si Kali?!" tanong ni Jash. Nagkibit balikat ako at tumayo na, sabay sabay kaming pumwetso sa front door at inantay na dumating ang Kali pero wala.

Pumatak ang 6:00 kaya nagsigawan ang lahat, bumagsak ang balikat ko at napailing na lang. May mga nagpalakpakan pa kaya sumakit na ang ulo ko.

Kanya kanya kaming balik sa upuan, may mga masasaya, may nga gulat at kami na kaibigan niya. Pinagsakluban ng langit at lupa, syempre kung maglilinis siya tutulungan namin, hindi pwedeng mag-

Natigilan kaming lahat nang bigla kaming mapatingin sa babaeng nakatayo at nakapamewang na sa pinakalikod na parte ng room.

"Sinong late?" tanong ni Kali. Nilapag niya ang bag niya at tinaas ang kaliwang kamay, pinapakita ang relo.

"6:00 sakto," sabi niya. Siya naman ngayon ang pumwesto sa front door.

Tumingin muna siya sa relo bago humarang sa pinto, doon sumulpot ang halos 5 mahigit kong kaklase. Mukhang pagod at hingal sa pagtakbo.

"You're late."

* * *

"Lupit mo don, Kali." Natatawang sabi ni Rei nang nagrecess kami. Hindi siya pinansin ni Kali na busy na sa notebook niya.

"Tara canteen tayo," yaya ni Jash. Lahat ngayon ay napatingin kay Kali na hindi manlang natinag sa notebook niya.

"Wala akong baon." Palagi niyang sagot. Hinila ko ang kamay niya kaya agad na nalukot ang mukha niya.

Lagi niya kaseng iniiwan ang pera niya! Kaya siya talaga mas nakakaipon sa amin. Pero may solusyon kami don. Sasama siya sa canteen tapos pag may nagustuhan siya, automatically uutang siya hehe so in short parang wala rin.

"Samahan mo lang kami!"

"Tapos ano? Pati ako bibili, 'Wag na!"

"Parang sira si Kali," natatawang sabi ko na. Inirapan niya ako at nanatili paring nakaupo.

"Kayo na lang," taboy niya. Makahulugan kong tinignan sin Rei at sa isang iglap sabay sabay naming hinatak si Kali.

"Para naman kaseng mga bata! Pwede namang bumili ng sila na lang eh!"

"Kailangan complete tayo!"

Tinawanan ko si Kali na naglalakad na ngayon, 3rd floor ang room namin kaya bababa pa kami sa first floor para lang bumili sa canteen.

"Huwag ka mag-alala, may dala akong extra, pauutangin kita." Pinanliitan ako ng mata ni Kali na halos gusto ng bumalik ng room.

"Para naman kaseng siraulo eh!"

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon